GMA Writer na si Suzette Doctolero | DepEd Module | Photo Courtesy: ArtistaPH |
Marami ang umalma sa naging ilustrasyon ng Department of Education (DepEd) sa tindig at katayuan ng mga magsasaka na isinalarawan nila sa isa nilang learning module ang isang malaking pamilya ng magsasaka na punit-punit at pangit ang mga suot na mga damit.
Sinang-ayunan ito ng isang GMA Writer na si Suzette Doctolero sa kung paano inilarawan ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga kababayan nating magsasaka.
“Ah e ano ba akala sa damit ng mga magsasaka at pamilya? Branded? Tama ang drawing. Miserable ang buhay ng mga magsasaka natin. Nagkakabagong damit lang ang magsasaka ‘pag may libreng tshirt sa hardware (tuwing pasko) o give away sa election,”
Halo ang naging mga reaksyon ng mga netizen sa naging pahayag ni Doctolero. Ngunit ramdam ng manunulat ang hirap na dinadanas ng halos karamihan ng mga magsasaka.
DepEd Module | Photo Courtesy: ABS-CBN |
Sila ang nagpakahirap, dugo’t pawis ang puhunan sa pagtatanim sa pangunahing kinukunsumo ng bawat pamilya sa bansa ngunit, kapalit lamang sa pinakamababang halaga ang bili sa kanilang mga palay.
“Imagine this, 6 mos bago mahinog ang palay tapos ibebenta ng 12 pesos per kilo lang. ibabawas sa lahat ng gastos: upa ng lupa, share ng may ari, fertilizer, insecticide,” dagdag ni Doctolero sa kanyang mga Tweet.
“Pangkain lang ng magsasaka ang matitira at kulang pa. Asa sa bigay na lang ang mga damit nila,”2
“Di ba? Sobra hirap ng buhay. Kung sino pa ang nagpoprovide ng pagkain, yun pa ang hikaos. Give away na tshirt nga lang mula sa mga hardware, tuwing pasko, ang madalas na bago,” saad pa niya.
Naglabas din ng mga opinyon ang mga netizen tungkol sa isyu at kontrobesiya na kinakaharap ngayon ng DepEd sa mga inilalabas nila sa kanilang mga module.
DepED Learning Modules |
“Ang mali po at ang nakakabahala ay ang unang larawan. Walang problema sa kwento, ang mali ay ang unang illustration at ang nag-approve niyan. Sobrang makaluma, mapang-api at napag-iwanan na ng panahon ang mga konsepto na tinuturo sa mga bata,”
"My Grandfather was a farmer and so are my cousins and uncles/aunts. I rarely see them dressed in rags. All of them made professional kids, us included. DepEd has a really big cut in each year's budget but can't hire a decent editor or proofreader,"
***
Source: KAMI
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!