Direk Joey Reyes ikinumpara ang mga KOREAN DRAMA vs PINOY DRAMA: "DIYOS KO, 'DAY!" - The Daily Sentry


Direk Joey Reyes ikinumpara ang mga KOREAN DRAMA vs PINOY DRAMA: "DIYOS KO, 'DAY!"



Direk Joey Direk | Photo Courtesy: Preview

Humaling na humaling ngayon ang karamihan ng mga Pinoy sa mga ipinapalabas na mga Korean Drama o KDRAMA dito sa bansa. 

Inaabangan at excited sa bawat paglabas ng mga panibagong episodes dahil bukod sa malapit  ang puso ng marami sa atin sa mga Korean Artists, marami din ang humahanga at nahohook sa ganda ng pagkakagawa at twists ng kwento.  

Ganito rin inilarawan at ibinida ng isang kilala at batikang TV and Movie Direktor na si Joey Javier Reyes ang mga bagong palabas na mga KDRAMA sa kanyang post sa social media.


"START UP is about setting up businesses. IT'S OK NOT TO BE OK is about mental health. LIFE is about health care and business.  ITAEWON CLASS is about dignity in ambition. SKY CASTLE is about parents and education. RECORD OF YOUTH is about choices in life and the sacrifices you make," saad ni Direk Reyes

"THIS is KDRAMA TODAY," dagdag niya.

Ikinumpara niya ang mga mula pa noon at halos nakakagawian na na mga kwento ng mga Pinoy Drama at magpasahanggang ngayon ay ganoon parin ang kinahahantungang kwento ng mga palabas na gawang Pinoy.   

"Eh, tayo nagkakapalitan pa rin ang mga babies sa ospital, may nawawalang diary, may kabit na kampon ni Satanas , kulot pa rin ang buhok ng kontrabidang babae habang banat ang inaaping martir na bidang babae, laging late pa rin ang pulis sa krimen, palpak ang lahat ng kidnappings, alagad ng kadiliman ang lahat ng mga mayaman, hindi nilikha ni Lord ang mabait na biyenang babae at stepsister at  laganap pa rin ang hindi magamot-gamot na amnesia na mas masahol pa sa COVID19," pagkukumpara niya ng Direktor.

"DIYOS KO, 'DAY!," dagdag niya.


***

Source:  Joey Reyes

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!