Photo credit to GMA News |
Noong nakaraang linggo, nagtrending diumano ang post ng isang netizen kung saan kanyang kinwestyon at inalmahan ang isang palikuran sa Pangasinan State University (PSU), kung saan raw pinagsama ang LGBTQ community at mga persons with disability (PWD).
Ayon sa netizen na nagngangalang, Joseph, kahit hindi sinasadya, maaari raw magmukhang PWD ang mga kapwang miyembro ng LGBTQ community at sana raw ay ginamit na lamang ang 'and' imbes na '/'.
Photo credit to GMA News |
Komento din niya, maganda sana ang intensyon ng palikurang ito ngunit mali ang nakalagay sa label o sign board.
"GOOD INTENTIONS GONE WRONG. It could have been better if 'and' was used instead of '/'," ani Joseph.
Ayon naman sa ilang taga Pangasinan State University (PSU) na member din ng LGBT community, isang gender-friendly university naman diumano ang kanilang paaralan. Sa katunayan, sila ay taos-pusong tinatanggap dito at pinapayagan na maging malaya. Lubos din ang kanilang pasasalamat na sila ay binigyan ng sariling restroom sa loob ng paaralan.
"PSU is a gender-friendly university. We, the members of the LGBT Community inside the University, are fully accepted and allowed to cross-dress. Installing a LGBT restroom in the University is like giving us the freedom to be who we are," anila.
Sa pahayag naman ni Rey Valmores-Salinas, Acting Secretary-General ng Bahaghari National, isang organisasyon ng Filipino lesbians, gays, bisexuals, and transgenders (LGBT), pinakamainam kung huwag na lang lagyan ng label ang mga palikuran para maging tunay na inklusibo sa lahat.
Filipino LGBT | Photo credit to the owner |
"While the earnest intentions of PSU, Lingayen are welcome, we reassert that creating a 'third' bathroom expressly for the LGBTQ plus, lumped together with PWD, is more than anything, exclusionary. Trans men are men, and trans women are women; hence, it follows that they are every bit welcome in men’s and women’s restrooms, respectively. In promoting inclusive spaces for all, we urge PSU to channel efforts into developing gender-neutral restrooms instead.", saad niya.
Ang LGBTQ plus community ay malayang gumamit ng mga palikuran na inilaan sa mga PWDs sa ilalim ng House-approved SOGIE Equality Bill.
Samantala, matatandaan na noong nakaraang taon nagtrending ang isang transgender woman dahil sa isang hindi inaasahang pangyayaring naganap sa pagitan nila ng isang personnel sa isang shopping mall sa Quezon City.
Ito diumano ay dahil sa pagbabawal sa kanya ng mall personnel na gamitin ang pambabaeng palikuran at paglabag sa shopping mall 2014 city ordinance.
Source: GMA News
Samantala, matatandaan na noong nakaraang taon nagtrending ang isang transgender woman dahil sa isang hindi inaasahang pangyayaring naganap sa pagitan nila ng isang personnel sa isang shopping mall sa Quezon City.
Ito diumano ay dahil sa pagbabawal sa kanya ng mall personnel na gamitin ang pambabaeng palikuran at paglabag sa shopping mall 2014 city ordinance.
Source: GMA News