Photo Courtesy: Random Thougths |
Habang marami ngayon sa mga kabataan ang may kakayanan at may buong suporta ng pamilya para makapag-aral sa mga magagandang institusyon, pampubliko man o sa pribadong paaralan na hindi na kailangan pang ranasin ang kahirapan sa buhay hanggang sa makapagtapos sa pag-aaral. Marami rin sa mga kabataan ang nabubuhay na sa hirap at tanging pagpupursige at pangarap lang ang pinanghahawakan makamit lang ang minimithing tagumpay.
Madalas din sa iba na sila na ang nabigyan ng magandang pagkakataon at swerte sa buhay, sila pa kalimitan ang mareklamo at sinasayang lang ang suporta para sa kanilang pag-aaral.
Katulad nalang sa isang mahirap na dinaranas ng isang construction worker na mag-aaral na si Jesus Caones na kahit pa sa matinding pagod at mabigat na trabaho ay hindi siya sumuko sa hamon ng buhay at 'di ginawang hadlang ang paghihirap upang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Photo Courtesy: Rael Jr. Rael |
Pinagsasabay nito ang pagbabanat ng buto sa kanyang trabaho at ang pag-aaral.
Habang ang iba ay nasa komportable nilang mga tahanan, nakaupo at hawak lamang ay ang kanilang mga lapis o ballpen at ang mga learning modules nila si Jesus ay pumapasok bitbit hindi lang ang mga gamit nito sa pagiging construction worker kundi dala-dala din niya ang mga sasagutang mga modules.
Ginagamit umano ni Jesus ang kanilang breaktime sa trabaho hindi para magpahinga at bumawi ng lakas kundi, panahon niya ito upang mag-aral at sagutan ang kanyang mga modules.
Ang kanyang larawan na ini-upload ng isang netizen ay hinangaan at nagsilbing inspirasyon sa marami. Marami ang bumilib sa kaniyang determinasyon na makapag-aral habang nagtatrabaho
Narito ang buong kwento:
Photo Courtesy: Rael Jr. Rael |
Yung iba nag papak*m*tay dahil sa MODULE🥺 samantala itong construction worker , dinadala niya ang kanyang module para makapag answer lang kung break time niya,✍️ habang ang mga ka trabaho niya ay nagpapahinga at natutulog, samantalang sya ay binibilisan nya yung pag answer kasi babalik nanaman sya sa trabaho niya🥺
sya po si JESUS CAONES
Pa Share na lang po!
baka sakaling my mabuting loob na makatulong sakanya !
owner of photo: RAEL JR. RAEL
***
Source: Random Thougths
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!