Call Center Agent from Visayas, Biktima ng Accent Shaming ng Former Boss na Mapanglait! - The Daily Sentry


Call Center Agent from Visayas, Biktima ng Accent Shaming ng Former Boss na Mapanglait!



Photo credit to Dianne Encinas Facebook account

Isa sa pinaka in demand na trabaho ngayon ay ang Call Center industries. Bukod sa mas maraming opportunities, mataas ang pangangailangan para sa mga empleyado ng BPO. Kahit ngayong panahon ng pandemya ay nanatiling matatag ang industriyang ito at patuloy pa rin ang negosyo.

Sinasabing hindi madali ang maging isang call center agent, dahil bukod sa oras ng trabaho na halos lahat ay nasa 'graveyard shift', maraming trainings and evaluations ang kailangang pagdaanan at ipasa. 'Attendance is a must' ika nga, kaya kahit birthdays, Pasko o Bagong-taon ay kailangan mong pasukan.


Bukod sa mahabang pasensya na kinakailangan sa pakikipag-usap sa mga 'irate customers', kailangan mo ring matutong mag multi-tasking at mag-adopt sa culture at accent ng iyong kausap na customer. Sadya nga namang kahanga-hanga ang maging isang call center agent. 

Kaya naman masakit isipin na may may taong nilalait at nililiit ang trabahong ito. Madalas din na nakaka-tanggap ng panlalait ang mga call center agents, lalo na iyong mga galing sa probinsya at medyo nahihirapang sumabay sa 'accent' na kinakailangan at hinihingi ng kumpanya.

Isa sa nakaranas ng malungkot na panlalait na tulad niyan o ang tinatawag na 'accent shaming' ay si Dianne Encinas, isang call center agent na tubong Visayas.

Kwento ni Encinas sa kanyang Facebook post, sobrang ikinalungkot at halos maiyak siya sa naging mensahe sa kanya ng dating boss, kung saan tinanong nito ang naganap na promotion niya, ngunit nilait naman ang kanyang 'Bisaya accent'.

Ani Boss: "Na promote ka pala? Hindi na ba Bisaya ang accent mo?'"

Dagdag pa nito, "Hindi ka naman magaling non e. Bisaya ka pa pero congrats pa din. A friendly advise dear. Galingan mo kasi may evaluation yan every month."

Photo credit to Dianne Encinas Facebook account


Sa sobrang sakit ay ibinahagi ni Encinas ang screenshot ng mensaheng iyan ng kanyang dating boss at sinabing hindi naman siya naging pabigat sa team nito non at nasaktan siya dahil tinuring niya itong isang 'mentor'.

"Thank you sa message mo boss. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako

Hindi naman ako naging pabigat sa team mo nun. Isa ka sa mga mentors na hinahangaan ko pero parang ang sakit ng message mo sa kin

God bless po.",
sulat ni Encinas.

Photo credit to Dianne Encinas Facebook account


Dahil sa pagbahagi ni Encinas ng post na iyan ay marami ang nagpaabot ng suporta sa kanya at marami rin ang nagalit sa dating boss nito at sinabing mali kailanman ang gawing katatawanan ang accent ng isang tao. 

Sa sobrang galit ng mga netizens ay marami ang pabirong nagbanta dito, karamihan ay mga tubong Visayas din na kanyang nilait at minaliit.

Photo credit to Dianne Encinas Facebook account



Photo credit to Dianne Encinas Facebook account


Nagpasalamat naman si Encinas sa mga kaibigan at mga ka-trabaho niya ngayon na nagpaabot ng suporta at patuloy na nagpapalakas ng kanyang loob upang mas galingan pa at patuloy na umunlad
sa tinahak na career bilang isang magaling na call center agent.

Photo credit to Dianne Encinas Facebook account