Dahil sa hirap ng buhay ay maraming mga bata ang nagtitinda ng kung ano-ano sa kalye upang makatulong sa kanilang mga magulang. Ang iba naman ay nagtitinda upang may magamit silang panggastos sa kanilang pag-aaral.
Nakakalungkot isipin na napakabata pa nila upang maranasan ang hirap ng buhay. Dapat ang mga katulad nila ay walang iniisip na problema kundi ang mag-aral lamang at maglaro.
Subalit tunay nga namang nakakahanga at nakakabilib ang ganitong mga kabataan dahil sa kanilang murang edad ay alam na nila kung gaano kahirap ang kumita ng pera at kung papaano tulungan ang kanilang mga magulang.
Katulad na lamang ng video na ibinahagi ng netizen na si Xof Naraplap kung saan masasaksihan ang napakabuting puso ng isang batang nagtitinda ng mansanas.
Ayon sa post ni Naraplap, binibigyan na lamang daw nila ng pera ang bata dahil ayaw nilang bumili ng mansanas, ngunit ayaw nitong tanggapin ang pera.
Gusto raw ng bata ay mabenta na ang kanyang mga paninda upang makauwi na siya. Dahil naawa sina Naraplap ay pumayag silang bumili ng mansanas.
Ngunit ang gusto talaga ng netizen ay bigyan na lamang ang bata ng pera upang maibenta pa nito sa ibang tao ang kanyang itinitinda. Ngunit ayaw tanggapin ng bata ang pera.
“Kaya nga po kayo bumili para kainin niyo,” sabi ng bata.
“Parang nagbigay lang din po kayo ng pera,” dagdag nito.
“Sayo na lang yan, ibigay mo sa kapatid mo,” sabi naman ni Naraplap.
“Dapat po kung ano pong binibili tanggapin na lang po kasi po sayang po ang pera eh,” saad ng bata.
Sa huli ay kinuha narin nina Naraplap ang mansanas at tinanggap naman ng bata ang perang pinambayad.
Panoorin ang buong video sa ibaba:
***
Source: Xof Naraplap | Facebook