Nasa dugo na ng mga Pinoy ang buong pusong tumutulong at ang pagiging maaawain lalong-lalo na kung ang mga dumudulog at humihingi ng tulong ay mga matatanda.
Ngunit dahil rin sa mabilis tayong magtiwala sa ating kapwa, ito na rin madalas ang dahilan kung bakit naglilipana ang mga mapagsamantala at mga manlolokong tao.
Tulad nalang ng naging nakakapanghinang karanasan ng isang netizen na si Mary Jane Salvador kung saan bukas loob niyang tinulungan ang isang Lola na pasimpleng nagpapanggap na kunwari walang alam sa lugar.
"Yung tumulong ka na nga ikaw pa niloko. Hayss. Kaya mag ingat sa mga tinutulungan, ikaw na nga naging mabait ikaw pa lolokohin. Pakishare naman po para maalarma yung iba baka hindi lang ako nabiktima nitong dalawa na to."
Ngunit walang kamalay-malay si Mary Jane na may iba pa pala itong mga kasabwat na mga manloloko din, upang tuluyan siyang magtiwala sa kanila at magawa ang kanilang masamang binabalak sa kanilang mga biktima.
Yung tumulong ka na nga ikaw pa niloko. Hayss!! ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜
So ganito nangyari, habang pasakay ako papunta dun sa supplier ko para kumuha ng hanger at corrugated pot , lumapit si Lola, na ang daming dala na paninda at nag tanong sya sakin kung san daw yung sakayan papuntang Tarlac.
Eh hindi ko naman alam dahil hindi ako pamilyar sa lugar, bigla syang may tinuro na lalake , itanong ko daw sa kanya baka alam tapos ayun na nga tinuro nung lalaki kung saan.
Sinamahan nya kaming dalawa ni Lola then si Lola huminto bibili daw muna ng antibiotic tapos may binigay syang Pera na nakalagay sa medyas, sabi nya "neng itabi mo muna ito hintayin nyo ako doon sa sakayan baka mawala ko eh" ,
Tapos maya maya pagkatalikod namin nung lalaki, sabay sabi nya na baka kung saan nyo dalhin paninda ko ah, gusto nyang kunin yung cellphone nmin nung lalake para makasigurado sya , pabiro nyang sabi na nakangiti.
Kaya mag ingat sa mga tinutulungan, ikaw na nga naging mabait ikaw pa lolokohin. Pakishare naman po para maalarma yung iba baka hindi lang ako nabiktima nitong dalawa na to. ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜ Buti sa kabilang cellphone ko nalog in yung Shopee Account namin shopee.ph/kuyafink pati mga Ibang bank accounts haysss.. Yung IPhone p max ko napalitan ng 1.5k. ðŸ˜ðŸ˜ðŸ˜