Screencap photos from Facebook @Sucayre Marco Francis |
Hindi maikakaila ang hilig nating mga Pinoy sa pagkain ng mga streetfood na bukod sa madali syang makita, ay sigurado ring mapapawi ang ating mga gutom sa napakamurang halaga lamang.
Kung minsan pa nga ay may mga pagkakataon na hinahanap hanap na natin ito at hindi tayo matatahimik hangga't hindi nakukuntento ang ating mga panlasa. *
Masarap pang kapartner nito ay ang mga sari't saring samalamig na sabay ding makikita sa mga kalsada na sa murang halaga lang ay tiyak na maiibsan na ang ating mga uhaw at may iba't ibang flavors pa na pagpipilian.
Subalit, sa napakamurang halaga nito, minsan ay mapapa isip tayo kung papaano nga ba ito inihanda ni ate at kuyang tindero. Ligtas kaya sa ating mga kalusugan ang mga sangkap na ginamit dito?
Makikita naman na nakalantad lang ito sa tabi ng kalsada, at di maiiwasang maalikabukan ito o dapuan ito ng mga langaw at iba pang mga insekto.
Dahil na din sa maliit lamang na puhunan ng mga nagtitinda nito, nariyan na naghahanap sila ng mga sangkap na mas makakamura sila upang malaki ang kanilang tubuin mula sa pagtitinda nito. *
Screencap photos from Facebook @Sucayre Marco Francis |
Sa isang video na in-upload ng isang concerned citizen na si Sucayre Marco Francis sa Facebook page na "Manila Public Information Office", mapapanood sa video ang isang tindera ng samalamig na nagtitiktik o nagbibiyak ng mga bloke ng yelo na nakalapag lamang sa semento sa tabing kalsada.
Labis na nakakabahala ang paraan ni ateng tindera sa pagtitimpla nya ng kanyang mga samalamig. Bagaman makikita sa video na kanyang binabanlawan ito ng tubig na nakalagay sa isang tabo, hindi pa rin ito sapat upang malinisan at matanggal ang mga dumi na nakadikit sa yelo lalo pa at nakalapag lamang ito sa semento.
Kayo na lamang po ang humusga sa paraan ng tinderang ito, hindi natin nais na siraan ang mga kababayan na naghahanap buhay sa ganitong paraan. Ang nais lamang iparating ng ating netizen ay pinag iingat ang ating mga kababayan sa mga posibleng maging bunga nito sa ating mga kalusugan. *
Screencap photos from Facebook @Sucayre Marco Francis |
Nawa ay may mga kawani ng lokal na pamahalaan na paalalahanan ang ating mga maliliit na negosyanteng kababayan na gaya nito.
Narito po ang post ni Sucayre Saad sa socail media na may caption na:
""Napawi nga ang ating uhaw, pero ang tanong ligtas nga ba ang ating iniinom?
Pasintabi po sa mga kumakain."
Ang nasabing video ay nakunan sa Tondo, Maynila na alam naman nating napakaraming tao ang dumadaan dito at talaga namang hindi ito ang tamang paraan ng paghahanda ng samalamig na maaring magdulot sa ating ng karamdaman.
Labis na nabahala ang mga netizens at nagbigay ng mga komento ng ilan sa mga ito tungkol sa di kaaya ayang paraan ng pagtitinda ng nasabing vendor:
"Kaya ayokong bumili ng ganyang mga palamig sa bangketa di tau sure kung malinis ba ang tubig , un naman tindera ala man kalinisan, sa sarili nya kadiri ka ka ateng." *
Screencap photos from Facebook @Sucayre Marco Francis |
"Di po Kasi dapat talaga pang human consumption Ang block ice pampalamig Lang Ng bottles or fish yan. Dapat pag human consumption Tube Ice. Not cube ice din Kasi block ice din Yun pinaliit Lang. "
"Kya ayaw ko bumili tlga sa mga palamig..di bale na sinasabi nila na maarte dw ako pero wla ako pakialam kasi hindi naman tiyan nila na ang sasakit.."
"Lahat ng bagay kung gagawin sa maruming paraan marumi po talaga... pero hindi lahat ng street food ay dugyot kasi hindi naman pare pareho ang mga tindera, kung maka dugyot naman oh ako nga ang arte ko pero bumibili din aq sa mga ganyan. Mabusisi nga lang ako hahah, masarap kaya at nkakapawi ng init sa lalamunan. maging malinis nlang po tayo sa mga paninda. gaya sa mga ihawan Takpan din nman po ang paninda kasi punong puno ng mga usok at alikabok subra na po sa paminta yun at mga langaw mas marumi langaw di mo alam saan dumapo." *
Screencap photos from Facebook @Sucayre Marco Francis |