Larawan mula sa Facebook |
Sinasabing ang aso ay ang pinaka matapat na kaibigan ng tao na siya namang napatunayan ng isang aso mula sa Valenzuela city.
Binahagi ng netizen na si Emman Teoxon ang kwento ng isang doggo na patuloy na naghihintay sa kanyang amo sa labas ng ospital matapos itong atakihin sa puso ilang araw na nakakalipas.
Ayon sa kwento ni Emman, nakita nila ang aso sa labas ng Valenzuela General Hospital na patingin tingin na tila may inaantay na lumabas mula sa pagamutan.
"To make the long story short, nilapitan namin sya at tinawag, nakakatuwa kasi sobrang friendly nya knowing na first encounter nmin sakanya. Ambait nya at lumapit sya samin kumakawag ang buntot nya." ayon pa sa post ni Emman
Mabait umano at malambing si doggo kaya nilapitan nila ito ng kanyang partner. Maya-maya ay lumapit ang isang staff ng ospital at kinuwento ang nangyari.
Halos isang Linggo na umano ang nakakaraan nang isugod sa ospital ang amo ni doggo dahil inatake ito sa puso. Kinuha ito ng ambulansya at dinala sa pagamutan, tumatakbo din daw ang aso kasunod ng sasakyan, dahil dito, naawa ang driver at pinasakay na din ito.*
Larawan mula sa Facebook |
Pagdating sa ospital, pinasok sa ospital ang kanyang owner at naiwan siya sa labas dahil bawal namang pumasok ang aso sa loob ng ospital.
"It is really painful to watch, makikita mo sa mata ng aso kung gano sya kalungkot na nag aantay at umaasa na babalik ang owner nya. Makikita mo sa aso kung gaano sya ka loyal for how many days na nag aantay sya sa amo nya" Dagdag pa ni Emman
Kwento pa ng isang naka witness ng pangyayari, kinuha na daw minsan ng kamag-anak si doggo pero bumalik din uli sa tapat ng ospital.
Ayon pa sa mga komento sa post ni Emman, nakaka-kain na daw si doggo araw-araw simula nang makita nila ito. Nais sana niyang ampunin ito ngunit marami na rin siyang alagang aso at pusa sa bahay nila.*
Larawan mula sa Facebook |
Si doggo ay tinatawag ngayong Hachiko of Manila at marami na rin ang nagpaabot ng tulong dito. Ngunit mas maganda sana kung siya at magkakaroon ng bagong pamilya na mag aalaga at magmamahal sa kanya.
Ang post na ito ni Emman ay umabot na sa mahigit dalawang libong shares at maraming komento. Marami talaga ang naawa at na-touch sa kwentong ito ni doggo.
Larawan mula sa Facebook |
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
"Ampunin mo na lang yung aso kawawa naman hinde kona tinapus basahin tumutulo na luha KO"
"thank you po sa accept sir. sobrang nalugod po ako sa post mo sir,sana po ikaw nalang mag adopt sknya.. im sure magiging mas mabuti ang kalagayan nya sa inyo ni mam Godbless more po sa inyo.."
"Mars nakakatuwa naman... keep it up mars sobrang may mabuti kayong puso ni Eboy specialty sa voiceless animals.share or tag ko sa mga groups mars."