Ang katotohanan sa likod ng nag-viral na larawan: HINDI NIYO ALAM YUNG TAKOT AT PANLULUMO NILA. PURO KAYO PANGHUHUSGA - The Daily Sentry


Ang katotohanan sa likod ng nag-viral na larawan: HINDI NIYO ALAM YUNG TAKOT AT PANLULUMO NILA. PURO KAYO PANGHUHUSGA



 Photo Courtesy: April Angela Imperio


Naging isang sikat na meme at nagtrending sa social media ang isang kuhang larawan tungkol sa isang babae na nirescue ng mga kapulisan sa kanilang ginagawang rescue operation sa mga lugar na lubhang naapektuhan sa rumaragasang baha dulot ng bagyo. 

Umani ito ng ibat-ibang reaksyon mula sa mga netizen at pinagmulan ng katatawanan ng iba dahil umano sa kuhang larawan ay tila nakasmile ang isang babae habang tinutulungang makalikas at makatawid sa baha ng isang gwapong rescuer. 


Binasag na ang katahimikan ng pamilya ng nasa-larawan na si April Angela Imperio sa kung ano ang totoong dahilan at kwento sa ngayong trending na larawan.


Narito ang kanyang buong paliwanag: 

PAKIUNAWA NG MABUTI ETO PO ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG NAGVIRAL NA PICTURES AT VIDEOS NG TITA KO. NGAYON LANG PO NANGYARI SA KANILA YUNG GANITONG SAKUNA. BINAHA PO SILA AT BIGLAAN ANG RAGASA NG TUBIG. 


MARAMING MGA NASIRA AT NAWALA. HINDI PO KATANGGAP-TANGGAP ANG PANGHUHUSGA AT GINAGAWANG KATATAWANAN NG IBA YUNG NANGYARING PAGRESCUE SA KANILA.


UNA PO SA LAHAT, NIRESCUE SILA DAHIL MASYADO NG MATAAS YUNG TUBIG AT MABABA ANG PWESTO NG MGA BAHAY NILA.

PANGALAWA, NASIRA YUNG DAAN NILA NA NAGDUDUGTONG SA KALSADA. 


MAKIKITA NIYO PO SA PANGALAWANG PICTURE YAN YUNG DAAN, KAYA NAHIRAPAN YUNG TITA KO AT IBA PANG MGA TAONG NANDYAN NA MAKATAWID, MATAAS ANG LUBID AT MABABA NA YUNG LUPA DAHIL SA PAGBAGSAK NG DAAN PARTIDA TINAMBAKAN AT INAYOS PA YAN.


PANGATLO, MGA RESCUER NA MISMO ANG NAG-INSIST SA KANILANG LAHAT INUULIT KO "SA KANILANG LAHAT" NA KUMAPIT NALANG SA KANILA PARA MAS MAPADALI DAHIL HINDI NILA NAKIKITA MGA TINATAPAKAN NILA,MAY MGA NATIBAG NA SEMENTO. MAS NAHIHIRAPAN MGA RESCUER NA ALALAYAN SILA KAYA PARA MAS MAPADALI SINABI NILA NA KUMAPIT NALANG SA KANILA AT TUMAPAK NALANG SA KANILA PARA MADALI MAILIKAS ANG LAHAT.



PANG APAT, HINDI PO NAKANGITI ANG TITA KO. HINDI NIYA NA MAIPINTA ITSURA NIYA DAHIL DI NIYA ALAM GAGAWIN NIYA, UNA SIYANG NAKAHAWAK SA LUBID PERO DI SIYA MAKALAKAD NG MAAYOS PINUPULIKAT NA DIN SIYA KAYA PINAKAPIT NALANG SIYA NUNG RESCUER. 


NATATAKOT DIN SIYA SA TUBIG  KASE DI NIYA NAKIKITA KUNG ANONG MERON, AYAW NIYA DIN KUMAPIT HANGGAT MAAARI, PERO TARANTA NA SIYA, MIXED EMOTIONS. NAISIP NIYA NA BAKA MAINIS O MAGALIT PA RESCUER PAG NAG INARTE PA SIYA, KASAMA NIYA MGA ANAK NIYA. INIISIP NIYA MGA ANAK NIYA.


HINDI PO BIRO ANG SINAPIT NG MGA RESIDENTE NG MAASIM, SAN ILDEFONSO. MAKIKITA NIYO PO SA PICTURES YUNG NANGYARI SA LUGAR NILA TITA. WALA PONG MAY GUSTO SA MGA NANGYARI AT MAS LALONG WALA PONG NAG-ENJOY DITO.


ANG DAMI DAMING PICTURES AT VIDEOS NA GINAGAWA NG IBANG TAO. NAKAKAINIS ISIPIN NA SA MGA NANGYARI NA TO SA KANILA GINAWA PANG KATAWA-TAWA LAHAT. SANA NAMAN NAISIP NIYO DIN KAHIT PAPANO YUNG KAHIHIYAN SA TAONG GINAGAWAN NIYO NG KUNG ANU-ANO. 


NANLULUMO NA SILA SA MGA NANGYARI SA KANILA, SA BAHAY AT MGA GAMIT NILA TAS ETO PA!? SINASABI NIYO NA NAG-ENJOY TITA KO, KUMAPIT PA SIYA DAHIL POGI YUNG PULIS? JUSKO EH KUNG PANGIT KAYA YUNG PULIS MAPANSIN NIYO PA KAYA? HINDI DI BA? 



NAGVIRAL SIYA DAHIL TYEMPO NA POGI YUNG PULIS KAYA PINANSIN NIYO AT GINAWAN NIYO NG KUNG ANU ANO. PARA SAAN? PARA SA LIKES AT REACTS? PASIKAT GANON? 


NAGMAMAGALING? ME MASABI LANG? ANG JUDGMENTAL NIYO.

ANG DAMI-DAMING NANGYAYARI SA PALIGID NATIN, PANDEMIC, BAGYO, BAHA, LINDOL ETC. TAS MAY MGA TAO PANG GANTO LANG GINAGAWA? NASAN ANG MGA PANG UNAWA NG MGA TAO NA TO? NI HINDI NIYO ALAM KUNG ANO YUNG SITWASYON TAPOS PURO PANGHUHUSGA NA IBINABATO NIYO.


SANA NAMAN MAHABAG MAN LANG KAYO NG KAHIT KONTI SA MGA TAONG NASALANTA NG BAGYO. SA MGA TAONG MAS LALONG NAHIHIRAPAN NGAYON DAHIL SA SABAY SABAY NA SAKUNA AT PANDEMYA.


HALOS MANLAMBOT AKO NUNG MAKITA KO MGA NANGYARI SA KANILA, SA MGA PINAGPAGURAN AT PINUNDAR NILA TAS ETO PA NATATANGGAP NILA SA SOCIAL MEDIA. NATYEMPUHAN LANG NA TITA KO YUNG NAKUHANAN, NABALITA AT DI NA PINAKITA YUNG IBA PANG NILIKAS. 


WALA TAYO SA SITWASTON NILA PARA MAINTINDIHAN YUNG NARARAMDAMAN AT PINAGDADAANAN NILA. KAYA SANA LANG KAHIT KONTING RESPETO NALANG, OKAY NA. KUNG WALA KAYONG MAITUTULONG KAHIT YUN NALANG IAMBAG NIYO PARA SA MGA TAONG NAWALAN. 


AT MANAHIMIK NALANG PO SANA KUNG WALA NAMAN MAGANDANG SASABIHIN. PARA SA MGA TAONG GUMAGAWA NG DI MAGANDANG POSTS AT VIDEOS TUNGKOL DITO MAG-ISIP KAYONG MABUTI, HINDI NIYO ALAM YUNG TAKOT AT PANLULUMO NILA SA MGA NANGYARI.


Narito ang mga ibinahaging kuhang larawan:    















***

Source:  April Angela Imperio

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!