Hulog ng langit kung maituturing ng isang 78-na-taong gulang na si Lolo Patricio Palileyo ang sana'y normal niya lang na araw sa pangangalakal sa lansangan ay naging mabiyaya nang tinulungan siya ng isang netizen na busilak ang puso.
Kahit pa sa katandaan at ang sana'y nagpapahinga na lamang sa loob ng bahay ay patuloy parin na kumakayod sa napakahirap na paraan si Lolo Patricio, itoy' hindi lamang para buhayin ang sarili kundi para sa kanyang mga apo.
Talagang pinagtagpo ng sandali si Lolo Patricio at si Harvey Villanueva, isang good samaritan na nakakita sa matanda na nakaupo sa gilid ng daan upang pumahinga muna at sa walang pag-iimbot ay agad siyang nagpaabot ng tulong na pera at mga pagkain at gatas na iniinom ng apo nito.
"Di ko maiwasang mahabag nung nakita ko siya,"
Hindi na inalintana pa ang banta ng pandemya, lalo pa't siya'y matanda na at mahina narin ang pangangatawan, paikot-ikot sa buong lugar ng Manggahan ang matanda upang kahit papano ay makadami sa kinakalakal at may pambiling maiuwing pagkain para sa kanyang mga apo.
Sa panahon ngayon kung saan lahat ay ramdam ang sobrang hirap at mga problemang dulot ng pandemya, para sa kanilang dati pang naghihirap na sa buhay ay triple ang naranasang paghihirap kaya't hindi mapantayan ang kanilang tuwa't pasasalamat sa tuwing may mga mabubuting kalooban na tumutulong sa kanila upang patuloy na lumaban sa hamon ng buhay.
Ang ibinahaging kwento ni Harvey ay tumagos sa puso ng mga netizens na nagpapasalamat sa kabutihan na kanyang ipinaranas kay Lolo Patricio. Nahabag din sila sa mahirap na sitwasyon na dinaranas ng matanda sa kanyang pang araw-araw na buhay.
Narito ang kanyang buong Facebook post:
BLOCK 6 LOT 12 ROME STREET, TIERRA GRANDE VILLAGE , STATELAND MANGGAHAN GENERAL TRIAS CAVITE .
ETO PO LOCATION NI TATAY .
#FindingTatay
#SamaSamatulong
Post para hindi sumikat at umani ng papuri,. kundi para magtulungang matulungan si tatay na nangangalakal maiahon lang sa hirap mga apo nia.
7:50Pm
mercury MANGGAHAN GENERAL TRIAS CAVITE
di na kailangan malaman magkanong halaga binigay ko sa kanya pang dagdag para sa biniling gamot at gatas nia para sa apo nia , pero di ko maiwasang mahabag nung nakita ko siya 😭🤦
stay strong tatay napaka swerte ng mga anak at apo mo di alitana ang pandemic sayong eded para lang sa mga mahal mo sa buhay sa kabila ng edad mo . saludo ako sayu mahal kita sobrang mahal😭 ikaw ang dakilang frontliners ko💯💪☝️😍
"Kinamusta kita at sinabi mong ikaw ay nangangalakal lamang ikaw paikot ng buong manggahan 😭💯," |
"ako:,Tatay bakit andyan papo kayo Tatay,:Magpapahinga muna ako anak dito" |
***
Source: Harvey Villanueva Porto
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!