Angelito Gino-gino, na mas kilala bilang 'Lolo Pops' | Photo credit to the owner |
Kamakailan ay nag-viral online ang isang 72 anyos na lolo na nagtitinda at nag-lalako ng candies sa kalye. Ito ay dahil diumano sa napakagandang ngiti ng matanda na sadyang mapapabili ka ng kanyang paninda pag siya ay iyong nakita.
Siya ay si Angelito Gino-gino, na mas kilala bilang 'Lolo Pops', tubong Bulacan, at 10 taon ng nagtitinda ng candies at lollipops sa Angeles, Pampanga. Ngunit dahil sa pandemic ay nawala ang kanyang mga suking estudyante kaya humina ang munting pinagkakakitaan ni Lolo.
Lolo Pops | Photo credit to the owner
|
Madalas raw kasi noon ay sa mga tabi ng eskwelahan siya pumupwesto, doon na din sa tabi ng kalsada siya natutulog at nagpapahinga habang pinapaubos ang paninda upang may maiuwi sa kanyang pamilya at sa mahal na asawa na may karamdaman.
Kaya naman ng magsimula ang pandemic ay napilitang maglako si lolo sa ibat-ibang lugar upang maibenta ang kanyang mga paninda.
Hanggang isang araw nga ay may nakakita sa kanya na isang suki niya noon ng lollipop. Siya si
Janine Victoria Santos na ibinahagi ang larawan ni Lolo Pops sa Facebook at nanawagan na bumili sa paninda ni Lolo na noon nga raw ay polvoron at pastillas na ang itinitinda.
"Huli kami nagkausap nung 2017 pa. Ang lusog pa niya nun. Kanina nakita namin siya sa jollibee drive thru around 9:30pm ayun polvoron na tinitinda niya ngayon and pumayat siya.. please kapag nakita niyo si lolo pops bili kayo sa kanya tulong niyo nalang para makauwi siya agad..
Sa mga nag tatanong kung saan ko nakita si lolo. Sa may Jollibee katabi ng Angeles University Foundation Medical Center dito po sa Angeles City Pampanga.", post ni Santos.
Dahil sa post na ito, marami ang naantig sa kwento ng pagsisikap ni Lolo Pops, kaya marami ang nagpaabot ng tulong upang maipagpatuloy niya ang kanyang munting negosyo.
Isa na rito ay may-ari diumano ng sikat na online food delivery service na Mangan.ph. na si Louie Alcantara, na ginawang permanent merchant sa kanyang food app si Lolo Pops. Nagpatayo din sila ng stall ni Lolo upang mas maging komportable at ligtas ang pwesto ng matanda.

Screenshot of Janine Victoria Santos Facebook post |

Screenshot of Louie Alcantara's post
|
Isa din sa malaking naitulong kay Lolo Pops ay ang netizen na si Arianne Ocampo, na gumawa naman ng online store ni Lolo. Kwento ni Ocampo, nakita niya raw kasi na marami ang gustong bumili na taga malayong lugar kay Lolo. Kaya naman isang Official Online Seller na ang matanda at maaari na silang mag-deliver hindi lamang sa Pampanga, kundi sa Manila, Bulacan, Bataan at iba pa.
Lola Pops' Online store | Photo credit to Arianne Ocampo's Facebook account |
Photo credit to Arianne Ocampo's Facebook account |
Ani Ocampo, si Lolo Pops mismo at ang mga anak nito ang gumagawa, nagpapack ng kanilang paninda. Direct naman sa bank account ni Lolo ang bayad. Ngayon, hindi na kailangan pang lumabas para magbenta ni Lolo dahil pwede na sila mag-deliver nationwide.
Labis naman ang pasasalamat ni Lolo Pops at ng kanyang pamilya sa lahat ng taong tumulong at patuloy na tumutulong sa kanila.
Source: Janine Victoria Santos | Facebook, Yannie Yhan | Facebook, Mangan.Ph
Source: Janine Victoria Santos | Facebook, Yannie Yhan | Facebook, Mangan.Ph