Mga larawan mula kay Donde Soria Buenaagua Consuelo/Facebook |
Sabi nga sa kasabihan, masusubok mo ang katapatan ng isang tao kapag nariyan na mismo ang tukso ngunit hindi nya ito ginagawa.
Sa kasalukuyang kalagayan natin ngayon kung saan laganap ang krisis dahil sa pandemya, marami sa atin ang naghahanap ng opurtunidad upang magkapera, dahil sa tindi ng pangangailan kung minsan ay hindi na naiisip ng iba ang mabuti basta kumita lamang. *
Ngunit isang kwento ng katapatan ang ipinamalas ng isang lalaki ang nagsauli ng bag na kanyang napulot na naglalaman ng halos 1 milyong pisong halaga ng mga alahas.
Sa isang balita ng Brigada correspondent na si Donde Soria Buenaagua Consuelo, personal na nagpunta sa tanggapan ng PNP Camp Wenceslao Q. Vinzons, Barangay Dogongan, Camarines Norte, ang lalakng nakapulot ng nasabing bag.
Kinilala ang good samaritan na si Ener B. Rojo, isang job order no Employee ng engineering office, nasa wastong edad at residente ng barangay 3 Daet Camarines Norte. *
Mga larawan mula kay Donde Soria Buenaagua Consuelo/Facebook |
Ayon kay Rojo, nakita nito ang bag na naiwan sa labas ng isang lotto outlet at kaniyang personal na isinaui ito sa tanggapan ng PNP sa Camp Wenceslao Q. Vinzons, Barangay Dogongan.
Napag alaman na si Rojo ay isang job order employee ng Engineering Department ng kapitolyo ng Camarines Norte.
Ayon sa panayam kay PCol Marlon Tejada PNP Provincial Director Ng PNP Camarines Norte, mas pinili ng nasabing elmpeyado ng kapitolyo na nakapulot na iturn over ito ng personal sa may ari sa harap mismo ng mga opisyal ng PNP.
Nagtungo si Rojo upang iturn over ang mga alahas na nag kakahalagang 800.000.00 sa harap mismo ng may ari na si Mrs. Araceli Apolinario, isang senior citizen, at mga saksi na sila PCol Marlon Tejada PNP Provincial Director Ng PNP CAMARINES NORTE at at ni PLCol Rogelyn Calandria hepe ng Police Community Affairs and Development Unit ng CNPPO sa mismong tanggapan ng PNP sa Camp Wenceslao Q. Vinzons.
At nagkaharap ang mismong may ari ng bag at ang lalaking nakapulot nito at kanyang iniabot ang bag at mga alahas sa ginang. *
Mga larawan mula kay Donde Soria Buenaagua Consuelo/Facebook |
Labis naman ang pasasalamt ni ginang Araceli sa kabutihan at katapatan ni Rojo at inabutan nya ito ng dalawampung libong piso (20,000.00) bilang pabuya sa pag sauli ng kanyang mga alahas.
Personal ding binigyan ng pagkilala ni PCol Tejada ang katapatan ng nasabing kawani ng kapitolyo,
Dagdag pa ng may ari ng mga alahas, kanayng ipinaskil ang mga larawan ng kanyang mga alahas. At magbibigay siya pabuyang P20,000 sa sinuman ang makapagsauli nito.
Isa lamang itong pagpapatunay na kahit gaanio mga kahirap ang ating buhay ngayon, marami pa rin ang mga taong likas na may mabubuting kalooban at mas pipiliin pa ring gumagawa ng kabutihan.
Nagpaabot namang ng paghanga ang mga netizens dahil sa kabila ng pagiging isang job order employee, hindi ito nasilaw sa malaking halaga na kung tutuusin ay maari na nyang angkinin ngunit mag pinili nyang gumawa ng mabuti. *
Mga larawan mula kay Donde Soria Buenaagua Consuelo/Facebook |
Nais ng mga netizens na sana’y gawin nang regular na empleyado si Rojo sa nasabing kapitolyo dahil sa katapatan nito. Narito ang kanilang mga pahayag:
“Wooow. Good job, kuya. Napakabait mong tao. Pagpapalain ka ng Panginoon dahil sa kabaitan mo. Sana mrami pa maging katulad mo. God bless you!”
“Matibay hindi natukso sa kabila ng pandemya. Puwede ‘yan i-regular ng government!"
“Job order ng kapitolyo dapat maregular ka na. Mapagkatitiwalaan kang tunay. Maswerte ang mga pinaglilingkuran mo, kuya.”
“Dapat ang pinaka-reward is maging regular dahil isa siya sa magiging sample as good employee. ‘Di corrupt kasi. Di nasisilaw sa pera.”
“Good job po. Buti may busilak na puso ang nakakuha at naibalik sa may-ari. Pero bakit naman po dala-dala ng may ari ng alahas na ganyan kadami, alahera po ba sya?” *
Mga larawan mula kay Donde Soria Buenaagua Consuelo/Facebook |