Madiskarteng ina, ginawang Downy Fabcon ang suka: "Very effective din pala sa mga damit" - The Daily Sentry


Madiskarteng ina, ginawang Downy Fabcon ang suka: "Very effective din pala sa mga damit"



 

Larawan mula kay Anna Floriza

Sa hirap ng buhay ngayon na halos lahat ng bilihin ay nagtataas na ang presyo ay hindi na magkanda-ugaga ang mga mommies at daddies para magisip kung papaano makatipid sa mga pang araw-araw na gastusin.


Katulad na lamang ng naisip na diskarte ng isang ina na si Anna Floriza kung saan ay ibinahagi nito sa kanyang social media account ang kanyang diskarte upang makatipid sa paglalaba.


Ayon kay Anna, ilang beses na umano niyang nasubukan na gawing fabcon ang suka at napatunayan umano niyang epektibo nga para sa mga damit.

Larawan mula kay Anna Floriza

"Ilang beses ko na din sinubukan ito. Kung dati rati ay madalas akong magpabili ng fabcon, ngayon suka na. Yes, mga mommies at daddies. Very effective din pala sa mga damit." ayon kay Anna.


Pagbabahagi ni Anna, nilalagyan niya ng dalawa hanggang tatlong kutsara ng suka ang tubig na kanyang pagbabanlawan at napatunayan nitong mas lalong lumalambot at bumabango ang kanyang labahan na nalagyan ng suka.


"Ginagamit ko ito sa huling banlaw na. Naglalagay ako ng 2-3 kutsara sa tubig bago banlawan ang mga damit. Malambot at mabango ang mga damit." kwento ni Anna.


Ayon pa kay Anna, maaari din itong ihalo sa tubig na may fabcon ang suka at mas lalo pa umano nitong napapalabas ang bango ng damit.


"Kung may fabcon ka naman, pwede ka ding maghalo ng suka. Mas napapalabas niya ang bango ng damit gamit ang suka."

Larawan mula kay Anna Floriza

Nagbigay pa ng isang tips si Anna na kung saan ay nilalagyan din umano niya ng suka ang kanilang sinaing kanin upang maiwasan ang pagkapanis nito.


"Nga pala, naglalagay din ako ng suka sa sinaing. Iwas panis. May gumagawa din ba nito? Try nyo din"


Basahin sa ibaba ang buong post ni Anna:


"Goodbye Fabcon for Now. Hello to Suka..


"Ilang beses ko na din sinubukan ito. Kung dati rati ay madalas akong magpabili ng fabcon, ngayon suka na. Yes, mga mommies at daddies. Very effective din pala sa mga damit.


"Ginagamit ko ito sa huling banlaw na. Naglalagay ako ng 2-3 kutsara sa tubig bago banlawan ang mga damit. Malambot at mabango ang mga damit.


"Kung may fabcon ka naman, pwede ka ding maghalo ng suka. Mas napapalabas niya ang bango ng damit gamit ang suka.


"Nga pala, naglalagay din ako ng suka sa sinaing. Iwas panis. 


"May gumagawa din ba nito? Try nyo din.


****


Source: AnnaBanana