Photo credit to World of Buzz and NYpost |
Kalunos lunos ang sinapit ng isang pamilya mula sa bayan ng Jixi in, sa probinsya ng Heilongjiang, sa bahaging norte ng China nito lamang kasalukuyan na buwan ng Oktubre, kung saan siyam sa miyembro ng isang pamilya ang nasawi ilang oras matapos kumain ng home made noodles na gawa mismo ng kanilang pamilya. *
Ayon sa balita, masayang nagsasalo ang nasabing mag anak para sana sa isang masayang salo salo nang sa hindi inaasahang pangyayari ay nauwi sa isang malungkot na trahedya, na dahil lamang sa pagkain ng home made noodles na halos isang taon ng naka imbak sa kanilang freezer.
Hindi umano akalain ng mag anak na ito na pwedeng makalason ang anumang pagkain kahit na matagal na itong naka imbak sa freezer at maaari pa rin itong kainin.
Ang nasabing homemade noodles ay tradisyon ng kinakain sa bayan ng Jixiin, na ginagamit sa pagluto ng sikat na sinabawang pancit na kung tawagin ng mga intsik ay "Suantangzi" na mula sa binurong harinang mais.
Ang Suantangzi ay isang napakasarap na putahe para sa mga taga Jixiin, at gaya ng inaasahan, pinagasaluhan ito ng nasabing mag anak para sa isang munting selebrasyon nitong Oktubre 5, ayon sa balita sa China. *
Photo credit to HongXing Video/The Paper |
Subalit, sa kabila na alam ng pamilyang ito na ang noodles na kanilang inihain ay matagal ng naka imbak sa freezer, kibit balikat nila itong pinagsaluhan hanggang sa maubos ito.
At sa kasamaang palad, makalipas lamang ang ilang oras matapos nila itong kainin. Isa isa na sa mga miyembro ng pamilyang ito ay dumadaing na sa sakit ng tiyan at iba pang nararamdaman.
Lingid kasi sa kanilang kaalaman na bago pa man nila ilagay sa freezer ang noodles na ito, maaring may mga nabubuo ng mga nakakamatay na bacteria ang kumakalat sa naturang pagkain, gaya na lamang ng "bongkrek acid" - isang nakakamamatay na toxin o lason na mula sa bacterium pseudomonas cocovenenans ayon pa sa balita.
Hanggang sa isa isa nang nagkakasakit ang nasabing mag anak ilang oras matapos kainin ito, at nitong Oktubre a-dose (Oct. 12), walong miyembro ng kanilang pamilya ang pumanaw. *
Photo credit to HongXing Video/The Paper |
At sa huling balita, pumanaw na ang ika siyam ng biktima, na siyang ina ng naturang pamilya nito lamang ika labing walo ng Oktubre.
Tanging ang tatlong bata lamang na miyembro ng kanilang pamilya ang nakaligtas dahil sa hindi kumain ang mga ito dahil sa may kakaibang lasa na ito na hindi nagustuhan ng mga bata.
Naglabas ng opisyal na pahayag ang mga otoridad hinggil sa pangyayari, at kanila ngang kinumpirma na siyam na katao mula sa iisang pamilya ang nasawi dahil sa food poisoning matapos makita sa pagsusuri ang mataas na porsyento ng "Bongkrekic acid" mula sa noodle soup na kinain ng mga biktima.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Heilongiang Provincial Health and Health Commission, ang nasabing toxin ay nakita sa tiyan ng mga biktima na naging sanhi ng kanilang pagkamatay. *
Photo credit to World of Buzz |
Nagpahayag si ginoong Gao Fei, Director ng food safety sa Heilongjiang Centre for Disease Control and Prevention, na masyadong mataas na porsyento ng toxin ang nakita sa katawan ng mga biktima kaya nasawi agad ang mga ito.
“It can cause serious damage to many human organs including the liver, kidneys, heart, and brain,” ani Mr Gao sa China News Service.
“Currently, there is no specific antidote. Once poisoned, the fatality rate can be as high as 40 per cent to 100 per cent.” dagdag pa ng director.
Ani pa ni ginoong Gao, ang "bongkrekic acid" ay hindi agad namamatay kahit pakuluan pa ito sa napaka init na temperatura na lingid sa kaalaman ng mga biktima..
"The fermented rice noodles are generally made by soaking corn, sorghum rice and other grains in water, and after natural fermentation for more than ten days, wet ground into a paste-like water noodles, and then filtered water to air dry," paliwanag naman ni ginoong Qian Cheng, isang food science author.
Nagbabala naman ang mga eksperto mula sa nasabing lugar na huwag na huwag ng kainin ang anumang pagkain na may amag at lalo na kung ito ay may kakaiba ng kulay at di kaaya ayang amoy. *