Dahil sa krisis na kinakaharap ng ating bansa ngayon, marami ang mas naghihirap sa buhay dahil nawalan ng trabaho. Kaya naman bawat sentimo ay mahalaga upang may maipambili ng pagkain at iba pang pangangailangan.
Minsan ay may mga pangyayari sa ating buhay na hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng isang rider na nakabangga ng isang sasakyan.
Sa Facebook post ng netizen na si Mark Joseph Flores, nabangga raw ng isang naka-motorsiklo ang kanyang sasakyan. Imbes na magalit ay tinanong pa niya ang rider kung okay lang ba ito at sinabing “Huwag kang magalala bro wala kang babayaran.”
Nagulat raw ang rider at nagpasalamat agad kay Flores.
Ani Flores, dapat raw ay isipin at maawa rin tayo sa mga taong katulad ng rider na nakabangga sa kanyang sasakyan.
“Isipin din ntn kung kaya niyang magbayad at maawa din tayo sa knila kasi kadarampot lang sahod nila,” sabi ni Flores.
Dagdag pa niya, wala naman siyang mapapala kung sisingilin niya ang isang taong walang maibibigay.
“God is always Good and will provide,” sabi ni Flores.
Narito ang kanyang post:
“Incident: Nabangga ng motor sasakyan ko. Tapos tinanong ko kung ok lang siya kasi masama pagkatumba nya tapos sabay sabi kong "Huwag kang magalala bro wala kang babayaran" Nagulat siya at nagthank you Agad.
Lesson: HINDI LAHAT NG BINANGGA AY MANININGIL. Isipin din ntn kung kaya niyang magbayad at maawa din tayo sa knila kasi kadarampot lang sahod nila. Ngayon nagkaroon pa ako ng Kaibigan. Anung mapapala ko kung sisingilin ko pa eh wlang wla nga yong tao. God is always Good and will provide.”
Narito naman ang komento ng mga netizens:
Source: Mark Joseph Flores | Facebook