Rabiya Mateo Then and Now | Photo credit to the owner |
Matapos na manalo at maiuwi ang korona ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2020, tila nagkaroon ng interes ang mga netizens na maghalungkat tungkol sa background at storya ng buhay nito.
Kabilang dito ay ang kumalat na larawan niya mula sa kanyang high school yearbook kung saan marami ang nag-komento ng hindi kagandahan at manaka ay pinintasan ang kanyang itsura noon.
Rabiya Mateo' Yearbook page | Photo credit to PEP Ph |
May ilan pa diumanong nagsabi na tila sumailalim sa isang plastic surgery ang beauty queen kaya gumada na at malayo na ang itsura niya ngayon mula sa dati.
Matatandaang nagkaroon din ng kontrobersya ang kanyang pagkapanalo ng lumabas ang kanya-kanyang opinyon ng ibang kandidata na tila nagpapahiwatig na may naganap na pandaraya sa nasabing pagtatanghal.
Ngunit sa kabila nito, ay matapang na hinarap ni Mateo ang lahat ng paratang at pintas sa kanya. At nito ngang huli ay nagpaabot ng mensahe para sa mga kritikong pilit na naninira at nanlalait sa kanya.
Miss Universe Philippines 2020, Rabiya Mateo | Photo credit to the owner |
Kaya naman sa kanyang Instagram story kamakailan ay kanyang ibinahagi ang larawan niyang iyon, 11 taon na nakalipas, kuha sa kanyang high school yearbook, at buong pusong ipinagmalaki ang kanyang dating itsura at sinabing, "This is me 11 years ago. I still didn’t have my braces. I don’t know how to put make up."
Sinabi din niya sa naturang post na marami na ang nagbago sa kanya mula noon, at ito ay pagiging mas mature at natutong mahalin ang sarili ng higit.
"A lot of things happened in that period of time. I grew up and became more mature. I was able to invest in myself and practice self-love." dagdag niya.
Sa huli ay nagpaalala din si MUP 2020 na sana ay tumigil na ang ibang tao sa pamimintas ng kapwa.
Photo credit to Rabiya Mateo's Instagram |
Narito ang kanyang buong pahayag:
"This is me 11 years ago. I still didn’t have my braces. I don’t know how to put make up. I'm not aware of what angle flatters me most but that is still me. A lot of things happened in that period of time. I grew up and became more mature. I was able to invest in myself and practice self-love.
"If there would be one thing that I want other people to know about me is that I'm beautiful then and now. The only thing difference is now, I know better."
"PS. stop calling anyone ugly. If that's how you see things and maybe then, it's your soul that needs a surgery."
***
Samantala, mababasa sa kanyang yearbook page na sadyang karapat-dapat sa kanyang titulo ang bagong Miss Universe Philippines, dahil mula noon pa man ay hindi lang siya maganda sa panlabas na anyo kundi sa ginintuang puso din.
Siya ay inilarawan ng kanyang mga kaibigan at kaeskwela na isang napakaganda at kahanga-hangang babae.
"A girl with glamorous smile. Every boy is mesmerized with her sophisticated looks. The darling of Year IV-Saint Agnes. Those shimmering tan skin catches everyone’s attention especially the boys. She has a towering height. When she starts speaking, you should ready your handkerchiefs for your nose might bleed. She is a very sensitive person so be careful with the words you choose. She is sweet like sugar. That’s what makes Rabiya “Byang”: Brilliant, Youth, Admirable, narcissist and Gorgeous (sic)."
Siya ay nagtapos ng high school sa Saint Candida School-Hijas De Jesus Inc. sa Estancia, Iloilo.
Kayo po mga kababayan, ano sa tingin niyo? Deserve ba ni Rabiya Mateo ang korona?
Source: PEP PH