Larawan mula sa GMA News |
Sa kabila nang nararansan na krisis sa iba't-ibang panig ng mundo dala ng pandemic ay marami pa rin ang hindi nakukunsensya at patuloy na nanloloko ng kanila kapwa.
Isa na rito ang kwento ng babaeng nanakawan ng halagang P71, 000 matapos makuha sa kanya ang kanyang wallet na may lamang credit card.
Kitang kita sa mga CCTV kung paano nagwaldas ang magnanakaw gamit ang credit card ng biktima.
Ayon sa ulat ng Balitambayan ng GMA News, bandang alas tres ng hapon naganap ang pagnanakaw at base sa records, alas 6 ng gabi nang unang magtagumpay ang magnanakaw na gamitin ang credit card ng biktima.
Sa unang shopping, umabot na sa P25, 000 ang nawaldas ng babeng suspek. Matapos naman ang ilang sandali, bumili ito ng mikropono na umabot sa halagang P14, 200.
Namili din ito ng mga damit na nagkakahalaga ng P8, 865. Sa mga CCTV na nakuha, kitang kita na confident ito sa ginagawa at pirma lang ng pirma tuwing may bibilhin.
Ang napansin naman ng asawa ng biktima, tila hindi tinitingnan ng maige ng cashier ang pirma na nasa card at pirma ng magnanakaw kaya madali itong nakalusot.*
Larawan mula sa GMA News |
At hindi pa dito nagtatapos, mga bandang 7:03 naman umano ng gabi ay bumili pa ang magnanakaw ng plates para sa dumbbell na nasa halagang P6, 600. At nag grocery din ito ng halagang P16,586.
Naglabas naman ng hinaing ang asawa ng biktima dahil sa mabagal na proseso ng bangko.
"Si misis, andaming proseso kaniyang pagdadaanan tapos marami ka pang isasagot bago ma-process. Ipa-process pa lang, hindi pa talaga maba-block," ayon dito
At maliban sa mga credit cards, kasamang nakuha sa biktima ang kanyang mga government ID kasama ng kanyang mamahaling wallet.
Dahil na rin sa naka face mask at face shiel ang suspek ay hindi agad ito makikilala. Ang tanging palatandaan lang sa babae ay ang dimple sa braso nito na nakita sa CCTV.
Narito naman ang ilang komenti ng mga netizens:
"Marami nyan kht pandemic masayng gumagwa ng masama sa kapwa babalik din nmn sa knila"
"This is why the mall staff should ask for a valid ID to verify before swiping the card."
"Banks should change the process of blocking the cards. It is very hard to call their hotlines."
Kamakailan naman ay naging laman din ng social media ang batang nabiktima ng panloloko online kung saan ang inaasam na laptop, bato pala ang laman.