Pinoy scientists, napatunayang epektibo ang coconut oil kontra C0VlD - The Daily Sentry


Pinoy scientists, napatunayang epektibo ang coconut oil kontra C0VlD




Makalipas ang ilang buwan ng masusing pag-eksperimento at pananaliksik, isang magandang balita ang inanunsyo ng mga Filipino scientists matapos nilang mapatunayan na mabisang panlaban sa lumalaganap na sakit ang VCO o Virgin Coconut Oil.

Ayon kay Dr. Jaime C. Montoya, executive director ng Philippine Council for Health Research and Development (PCHRD), hindi lamang nilalabanan ng Virgin Coconut Oil ang virus, kundi pinapalakas rin nito ang immune system para puksain ito.


"The results are very promising, as not only does it show that the VCO, by itself, can destroy the virus, but it also has a key mechanism in upregulating the immune response against C0VID-19,” saad ni Dr. Jaime C. Montoya sa isang statement.


“Indeed, we look forward to the results of clinical trials on the various uses of VCO as an adjunct for the treatment of C0VID-19.” dagdag pa nya.



Base sa research na pinondohan ng Department of Science and Technology (DOST), pinapababa ng compounds mula sa coconut oil at virgin coconut oil ang virus count by 60 to 90 percent sa 'low viral load'.


Napag-alaman din ng mga nasabing researchers na ang mga naturang compound ay nakitang nag-improve ng cell survival.


Pero nagbabala din ang ahensya na kinakailangan pa ng maraming experiments para malaman kung ang mas mataas na concentration ng coconut oil compounds ang magpapababa sa 'replication rate' ng virus na syang nagdudulot ng naturang sakit.


Makaraan ang ilang buwan ng pag-aaral, sinabi ni Science Secretary Fortunato de la Peña noong Lunes, October 19, sa isang panayam na ang first analysis tungkol sa virgin coconut oil bilang isang posibleng antiviral agent ay lalabas sa ikalawang linggo ng Nobyembre.


Ito ay matapos isagawa ng Filipino researchers ang clinical trials gamit ang virgin coconut oil sa 56 participants sa isang ospital sa Laguna.


“The fact na sila ay nakauwi at wala namang nag-deterioate ay maganda na ang indication,” aniya.


Dagdag pa ni De la Peña, ang mga nakiisa sa pag-aaral ay ang mga suspected at mild cases. 


Samantala, kasalukuyan namang nagsasagawa ng sariling trial ang Philippine General Hospital (PGH) gamit ang coconut oil sa mga pasyenteng lubhang tinamaan ng sakit.