Pinay na hirap sa Math noong nag-aaral pa lang, isa na ngayong NASA Engineer - The Daily Sentry


Pinay na hirap sa Math noong nag-aaral pa lang, isa na ngayong NASA Engineer




Math ang isa sa mga subject na hindi paborito ng ilang mag-aaral. At isa sa mga rason kung bakit ganoon ay dahil hindi lahat ay pinalad na maging magaling sa numero. Kaya naman may ilang estudyante na ayaw na ayaw sa subject na ito simula pagkabata pa lamang. 


Ito rin ang dahilan kung bakit may mga taong hindi nakakamit ang kanilang dream job dahil sa kawalan ng excellent mathematical skills. 

Pero naiiba ang kwento ng isang pinay na nagawang maabot ang kanyang pangarap sa kabila ng hindi ganoon katalas na kaalaman pagdating sa mga numero. Natanggap kasi sya sa world's most prestigious aeronautics and space agency: ang NASA o National Aeronautics and Space Administration ng Amerika.

Kahit hirap sa Math noong sya ay nag-aaral pa lamang, isa na ngayong Engineer sa NASA si Josephine Santiago-Bond, isang proud Filipina.

Kwento nya, wala raw syang inaambisyon na maging trabaho noong sya ay bata pa.

“As a child, I always knew I would go to college, get a job, try to earn enough to afford the things I need and want, but I had not envisioned a particular profession,” aniya sa isang interview.



Lumaki sya sa pamilya ng mga scientists na “doctors of some sort”, paglalarawan nya. Ang kanyang mga magulang at mga kapatid na babae ay PhDs. Pero wala sa bokabularyo nya ang sundan ang mga yapak nila.



Bukod sa nag-struggle sya sa Math, wala raw syang maisip pa na maging propesyon nung mga panahong iyon. 

Nag-aral sya sa Philippine Science High School pero labis syang nahirapan doon dahil sa requirement ng naturang paaralan na kumuha ng maraming science at math subjects kumpara sa ibang eskwelahan.



Gayunpaman, nag-enroll pa din si Josephine sa kursong Electronics and Communications Engineering sa University of the Philippines kahit wala syang pangarap na maging isang engineer.


Ayon sa kanya, dating schoolmate nya ang kumumbinse sa kanyang gawin iyon. Kaya naman ginawa nya iyon kahit pa nangangahulugan ito ng pagharap sa kanyang pinakamalaking bangungot: Math subjects.



Pag-amin pa nya, kahit iginapang nya ang pag-aaral sa kinuhang kurso, hindi umano sumagi sa isip nya na isuko ito.

“I had to crawl my way through some of the courses, but I wasn’t going to give up on [Electronics and Communications Engineering] because of a few bad grades,” pagbabahagi nya.



Bunga nito, kinaya nyang maipasa ang napakahirap na 5-year course.


Hindi man naging madali para sa kanya ang nasabing kurso, nag-masteral pa sya at nagkaroon ng Master’s Degree in Electrical Engineering mula sa South Dakota State University nang lumipat na sya sa US.

Doon, inanunsyo sa kanila na maaari silang mag-undergo ng internship sa John F. Kennedy Space Center (K.S.C.) sa summer.

Dahil isa syang risktaker at gusto nyang ma-challenge, agad nyang sinunggaban ito at iyon na nga ang naging hudyat ng isang magandang simulain.

Masyado raw malaki ang naging epekto sa kanyang ng summer noong 2003 kung kaya naman noong 2005, nagta-trabaho na sya full-time sa naturang space agency.





“I had zero knowledge about space shuttles, and did not even know that there was an International Space Station orbiting above us. I was just happy to take a break from South Dakota,” masayang kwento nya.

COURTESY OF JOSEPHINE SANTIAGO-BOND

Standing in front of Space Shuttle Discovery in 2007 COURTESY OF JOSEPHINE SANTIAGO-BOND

“I see myself like Dorothy Vaughan who, upon learning of the installation of electronic computers, taught herself programming and trained her co-workers. I proactively look for gaps that I can fill, I am responsible for continuing my professional development, and try to elevate others around me through mentorship.” pagpapatuloy ng pinay.


Sa ngayon, si Josephine ay isa nang chief of the Advanced Engineering Development Branch na syang responsable sa “[supplying] engineering support to research and technology development projects at Kennedy Space Center.”


Source: Spot.PH