Pambato ng bansa sa Miss Universe, laki sa hirap pero isa na ngayong Physical Therapist - The Daily Sentry


Pambato ng bansa sa Miss Universe, laki sa hirap pero isa na ngayong Physical Therapist




Sa mahigit 40 na kandidatang nakilahok sa Miss Universe Philippines, isang proud Ilongga ang nagwagi. Sya ang kauna-unahang magsusuot ng bagong gawang korona na naging usap-usapan sa social media kamakailan lamang. 


Who is Rabiya Mateo?




Ang 24-anyos biracial na dalagang si Rabiya Mateo ang naging representative ng Iloilo para lumaban sa pinaka-prestihiyosong pageant sa bansa: ang Miss Universe Philippines.

Lumaki man sa hirap, hindi nya ikinahihiyang ibahagi ang parte ng kwento ng buhay nyang ito. 



Ayon pa sa kanya, nagmula sya sa broken family kung saan ang tatay nya ay Indian at ang kanyang nanay naman ay isang Ilongga.



"I was raised in a broken family and I experienced a really poor life." aniya.


Kwento ng dalaga, iniwan man sila ng kanyang ama, kailanman ay hindi nya narinig na pinagsalitaan ng masama ng kanyang nanay ang tatay nito. 


Dahil dito, nakita umano nya mula sa kanyang ina na pagpapatawad ang isa sa mga pinakaimportanteng aral na kanyang natutunan mula noong sya ay bata pa.


"When my dad left us, she never speak ill about him. That's why in every situtation, even though other people would hurt me, I still choose to see the goodness in them." saad ng kandidata. 


Namulat man sa broken family, nagsumikap ang dalaga sa kabila ng mahirap na pamumuhay. Dahilan para sya ay magtapos nang cum laude at ngayon ay isa nang Physical Therapist.



Si Rabiya ang kauna-unahang hinirang na kandidata ng bansa sa Miss Universe sa ilalim ng bagong management nito.