Larawan mula kay Tinta Disenyo |
Viral ang post ng isang magulang patungkol sa bagong pamamaraan na ipinapatupad ng Department of Education (DepEd) para muling makabalik sa pagaaral ang mga estudyante.
Mahigit 24 milyong mag-aaral sa buong pilipinas ang sumabak sa bagong pamamaraan ng pagaaral na ipinatupad ng DepEd.
Dahil bago ang pamamaraan na ito ay maraming estudyante o maging ang mga magulang ay tila nahihirapan at nangangapa pa rin kung paano mairaraos ang ganitong uri ng pag-aaral.
Katulad na lamang ang post ng isang magulang na si Tinta Disenyo kung saan ay ibinahagi niya ang kanyang karanasan bilang magulang at bilang empleyado kung saan ay maging siya ay apektado rin sa ipinapatupad ng Deped para sa mga estudyante.
Larawan mula kay Tinta Disenyo |
Kinaaliwan ng mga netizens ang post ni Tinta dahil makikita sa kanyang mukha na sadya niyang pininturahan ang kanyang mukha na tila nag0lpi at mayroon pang kulay pula sa ilong nito.
Ayon kay Tinta, hindi umano siya gin0lpi ng mga siga sa kanto kundi sadya raw umanong lumaki ang kanyang eyebags dahil sa pagsagot sa mga modules ng kanyang mga anak.
"Advance Happy hallween po sainyo..hindi po ako nanakot, o nag0lpi ng siga sa may kanto, sadyang lumaki na po ata ang eyebags ko sa mga modules nyo.." ayon kay Tinta.
Larawan mula kay Tinta Disenyo |
Sinabi ni Tinta na tila naisahan silang mga magulang ng Deped dahil tila naipasa sa kanila ang dapat sana ay trabaho ng mga guro.
Dahil ubos umano ang oras ng mga magulang sa pagtuturo at pagsagot sa madules ng kanilang mga anak ay halos doble na ang kanilang pagod dahil kailangan din nilang kumayod sa pagtatrabaho upang may makakain sa pang araw-araw.
"Naisahan nyo kaming mga magulang. May trabaho pa po kami. Paano na kami mag hahanap buhay at kakain kung sa pag sagot palang ng modules ay ubos na ang oras namin?" banggit ni Tinta.
Basahin ang buong post ni Tinta sa ibaba:
"Dear Deped.
"Advance Happy hallween po sainyo..hindi po ako nanakot, o nag0lpi ng siga sa may kanto, sadyang lumaki na po ata ang eyebags ko sa mga modules nyo. Naisahan nyo kaming mga magulang. May trabaho pa po kami. Paano na kami mag hahanap buhay at kakain kung sa pag sagot palang ng modules ay ubos na ang oras namin?
Larawan mula kay Tinta Disenyo |
"Grade 3 palang ang anak ko 10pcs. modules. May ibang anak pa ako. 10 din ang modules. English palang dumudgo na ilong at tenga ko, aabot na sa leeg ang eye bag ko. Wala pa ang math at ang malalalim na tagalog nyo sa Filipino. Konting konsidirasyon naman maawa naman kayo..
Lubos na gumagalang.
Tinta Disenyo.
"Pls. Like and share. Malay mo mapansin ng Deped. Kapag di mo shinare magiging 15 na ang modules. Ikaw din baka magaya ka sakin. Nakakapagkabagabag na.
Kung ikaw ang tatanungin kabayan, ano ang opinyon mo sa usaping ito? maaaring ibahagi ang inyong saloobin sa pagkomento sa ibaba.
****
Source: Tinta Disenyo