Nagsimula na ang online classes noong Oktubre 5. Dahil sa pandemya, ang klase ng 2020-2021 ay kombinasyon ng online class at learning modules.
Makalipas ang isang linggo, maraming hinaing at reklamo mula sa mga magulang at estudyante ang nagkalat sa social media. Anila, dapat raw ay ipinagpaliban na lamang ng Department of Education (DepEd) ang nasabing pasukan.
Isa sa mga naglabas ng kaniyang saloobin ay si Teejay Marquez Jimenez.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Jimenez na nagpapasalamat siya sa DepEd dahil sa kabila ng pinagdadaanan ng ating bansa ay nakagawa pa rin sila ng paraan upang ipagpatuloy ang pag-aaral ng mga kabataan.
Ngunit makalipas lamang ang isang linggo ay naramdaman raw ni Jimenez kung gaano kahirap ang kanilang naging sitwasyon.
Aniya, hindi siya nagrereklamo ngunit hindi raw sila mga LET passer katulad ng mga guro at ang ilan sa mga katulad niyang magulang ay hindi man lang nakapagtapos ng elementarya.
Dagdag pa niya, bukod sa pagtuturo sa kanilang mga anak, may mga gawaing bahay rin sila na dapat pagtuunan ng pansin.
“kailangan din po naming mamalengke, maglaba, maglinis ng bahay, magluto,mag alaga ng ibang mga anak at karamihan din po sa amin ay kailangang tumulong sa paghahanapbuhay upang kahit paano ay sumapat sa aming mga pangangailangan,” sabi ni Jimenez.
Pakiusap ni Jimenez sa DepEd, sana raw ay bawasan ang “learning task” na ipinapagawa sa kanilang mga anak. Nakakaawa raw ang mga bata na nagpupuyat para lamang sagutan ang mga ito.
“Pakiramdam po namin ay araw araw nag peperiodical exam ang aming mga anak.”
Ayon kay Jimenez, ang stress umano ng mga bata ay stress din nilang mga magulang. Dagdag niya, naaawa rin siya sa mga gurong kailangang “isa isahin for checking and evaluation..Sila man ay mga pamilyado rin na kailangan po ng extrang panahon lalo sa kanilang mga anak…”
“Ito po ay pakiusap lamang..Bawasan po lamang naman ang workload ng bata na workload na rin ng magulang..” pakiusap ni Jimenez.
Sa ngayon ay umabot na sa 19k reactions at 27k shares ang post ni Jimenez.
Narito ang kanyang buong post:
“Dear Deped,
Una po sa lahat ay lubos kaming nagpapasalamat at sa kabila ng kumplikado nating sitwasyon ay naipaglaban nyo pong isulong ang edukasyon ng aming mga anak..
Ngunit sa kasamaang palad po ,sa unang linggo ng aming pagganap bilang mga guro ng aming mga anak ay totoong naramdaman po namin ang ibayong hirap..Hindi po kami nagrereklamo sa aming mga sakripisyo, ngunit kami po bilang ordinaryong mga magulang lamang..Hindi po kami LET passer upang magampanan ng mahusay ang tungkulin ng mga tunay na guro na nakaatang sa amin..ang ilan po sa amin ay hindi man lang po nakatapos ng elementarya..bukod pa po dito, kailangan din po naming mamalengke, maglaba, maglinis ng bahay, magluto,mag alaga ng ibang mga anak at karamihan din po sa amin ay kailangang tumulong sa paghahanapbuhay upang kahit paano ay sumapat sa aming mga pangangailangan.
Amin lang po sanang hiling ay bawasan ang napakaraming "learning task" na kailangang sagutan ng mga bata at hapitin ang isang linggong deadline. Nakakaawa napo mga bata umpisa pa lang..mismong ang aming maliliit na anak ay kailangan po naming puyatin upang makatapos lamang magsagot at bunuin ang mga susulatin..ang aming limang oras na tulog ay madalas tatlo na lamang..magampanan lamang ang lahat..
Pakiramdam po namin ay araw araw nag peperiodical exam ang aming mga anak..
Mdalas din po sa dami ng dapat matapos na sagutan ay di namin namamalayan na alas dos na pala ng hapon ay di pa sila nananghalian..
Ito po ay pakiusap lamang..Bawasan po lamang naman ang workload ng bata na workload na rin ng magulang..
Ang stress ng bata ay stress din naming mga magulang at kami din po ay naaawa sa aming mga kaguruan na dagdag sakripisyo ang napakaraming learning task na kailangan nilang isa isahin for checking and evaluation..Sila man ay mga pamilyado rin na kailangan po ng extrang panahon lalo sa kanilang mga anak....Sana naman po kami ay mapakinggan..marami pong salamat..”
Narito ang komento ng mga netizens: