Inspirasyon ngayon ng karamihan lalo na ng mga online seller ang netizen na yumaman at gumanda ang buhay dahil sa pagtitinda online.
Namieh Oya / Photo credit from her Facebook account
Sa kanyang Facebook post, nagbahagi ang netizen na si Namieh Oya ng kanyang karanasan at payo sa mga nais din umasenso katulad nila ng kanyang asawa sa pagiging online seller.
Ayon kay Namieh, kailangan ng sipag, tiyaga, diskarte at dedikasyon upang umasenso. Aniya, kailangan rin ng suporta mula sa iyong asawa o partner.
Ibinahagi rin nito ang mentalidad ng karamihan na kapag ang isang babae ang umasenso ay iisipin ng mga tao na "nakapangasawa yan ng mayaman kaya umasenso sa buhay". "Nakasandal na sa pader, siguro mapera napangasawa", o di kaya "nanalo siguro sa lotto".
Namieh Oya / Photo credit from her Facebook account
Aniya, hindi lahat ng babae ay naghahanap ng mayamang lalaki. Ang iba ay madiskarte sa buhay. Dagdag pa niya, mas lalong madaling umangat ang iyong buhay kapag may partner kang supportive.
Nagbigay din siya ng paalala sa mga netizens na mag-ingat sa mga taong nanghihila pababa.
“always choose to ignore them and walk straight the path ahead,” sabi ni Namieh.
Sa huli ay ipinagmalaki ni Namieh na isa siyang online seller at nakapangasawa siya ng isang lalaking may pangarap katulad niya.
Sa ngayon ay umabot na sa 8.6k reactions, 1.9k comments at 14k shares ang post ni Namieh.
Narito ang kanyang buong post:
"Kapag ang babae, umasenso at nalaman ng tao na may asawa yung babae, ang mentalidad agad ng tao eh "nakapangasawa yan ng mayaman kaya umasenso sa buhay". "Nakasandal na sa pader, siguro mapera napangasawa", o di kaya "nanalo siguro sa lotto". Ganyan karaniwan bukambibig ng tao, kapag ang babae umangat pamumuhay, parang imposible ano?
Di ba pwedeng yung mga babae na umaasenso eh dahil sa sarili nilang sipag, tiyaga, diskarte at dedikasyon? tapos sinuportahan lang ng asawa? Di kasi lahat ng babae ang hanap eh lalaki na mayaman, may kotse (di kami parking lot lol), at lalong di lahat ng babae nakaasa lang sa partner nila.
Sabi ko sa inyo, yung babae na alam pano dalhin sarili nya, kahit saan nyo ilagay yan aangat yan, at kahit wag mo bigyan ng pera yan magkakaroon yan kasi alam nya dumiskarte sa buhay. May mga babae na GOAL DIGGER at hindi Gold digger. We can work harder as long as we put our mind into it. At lalong mas madali ang pag angat kung may partner ka na suportado ka.
So kung wala ka non, oks lang yan kayang kaya mo dalhin sarili mo, just believe in yourself Girl! I don't know who needs to hear this, but you can make it too.
It is somehow challenging to be a woman, kasi minsan kapwa babae mo pa manghihila sayo pababa, magsasabi ng di maganda instead of appreciating the beauty that you have nakafocus sila sa imperfection para lang maiangat sarili nila, but then always choose to ignore them and walk straight the path ahead.
Di ako nakapag-asawa ng mayaman, at lalong hindi kami mayaman. Paulit ulit akong magiging proud na online seller ako at the best decision ever made was to marry a man who have the same dream as mine at isakatuparan ito. Building more dreams together."
Narito ang ilang komento ng mga netizens:
***
Source: Namieh Oya | Facebook