Larawan ni Tatay Ed mula sa Facebook post ni Jaella |
Isang netizen ang nagbahagi ng isang maikling kwento ng pagtulong sa kapwa kahit sa munting paraan na nagpaantig naman sa puso ng mga tao.
Binahagi ni Facebook user Jaella Rubia ang larawan ng isang matanda na may matamis na ngiti sa labi habang hawak ang isang plastik na may pagkain.
“Hindi masama ang magbigay kahit konting halaga sa mga nasa lansangan na wala sila makain at least nakatulong kayo sa taong yun❤.” ayon pa sa netizen
Ikinuwento ni Jaela na naglalakad sila ng kanyang kasama sa isang overpass sa Sauyo Novaliches nang kanyang mapansin si tatay na nagkakalkal ng isang plastic na may basura para maghanap ng makakain.
Ayon pa sa netizen, tila naiiyak na daw ang matandang lalaki marahil ay dala ng matinding gutom na nararamdaman.
Dahil sa matinding awa, binigyan niya ito ng pagkain at inabutan ng bente pesos, maliit na halaga man para sa iba ngunit ito ay nagbigay kay tatay ng saya.
“Nakita ko si tatay na may hinahalungkat sa plastik. Pinagmamasdan namin siya so napapansin ko na parang gutom na gutom na siya, naiiyak na siya sa gutom. Di ako nagdalawang isip na bilhan si tatay ng pagkain since yung ibang tao dinadaanan lang sya,” pagbabahagi pa ni Jaella*
Larawan ni Tatay Ed mula sa Facebook post ni Jaella |
Sabi pa ng concerned netizen, tinapay at buko juice lang daw ang kanyang nakayanan na maibaot kay tatay at ang bente pesos na pera.
“Kahit tinapay at buko juice lang naibigay ko at binigyan ko pa siya ng bente nakatulong naman ako sa kanya kahit papaano pantawid gutom man lang. Nakakaawa lang si tatay hirap sya makahanap ng pangkain nya.” aniya
Hindi rin makalimutan ni Jaella ang naging reaksyon ng matanda sa munting tulong na kanyang natanggap.
“Nung binigay ko na yung tinapay pati pang inom niya, sabi niya sa akin, ‘Salamat makakain nako.’ Doon naiyak na ako kasi tuwang tuwa siya. Sinabi nya pa, ‘Salamat sa bente may pambili nakong bigas.’ So, ayun nasabi ko nalang na, okay lang ba sya na ayun lang nakayanan kong ibigay pantawid gutom lang talaga,” ayon kay Jaella
“Natuwa ako kasi ang ganda ng ngiti nya na makakain na siya. Gusto ko lang i-share sa inyo na kahit sa konting bigay lang e napakagandang ngiti ng isusukli nya sa ‘yo. Pinipicturan ko siya na nakangiti na kay sa kanina na naiiyak na sa kakahanap ng makakain 🙏,,” dagdag pa niya
Marami ang naantig at na touch sa binahaging kwento ito ni Jaella, sa kasalukuyan ay umabot na sa mahigit 6k na shares ang kanyang post.*
May mga netizen naman na nakabasa ng kwento ang nagsabi na mabait daw talaga ang matanda na tinawag pang tatay Ed ng isang user.
Ayon pa sa isa, masayahing tao tlaga si tatay Ed at natutuwa na ito maliit man o malaki ang maibigay sa kanya.
"Tatay ed! mabait po talaga siya, once binigyan nyo ng pagkain maliit man o madame sobra ang kanyang ngiti at pasasalamat.."
May ilan naman na nagshare din ng kanilang tulong para kay tatay.
"Oo nakikita ko sa may overpass yan sa jollibee hinigingal tas ginawa ko pumunta ako 711 bumili tubig chaca pagkain"
"Ang dami ko na din nabigay sakanya dito sa sauyo tapat ng mercury drugs. Mabait po sya kahit konti lang ibigay mo sobrang ngiti yung ibibigay nya sayo at maraming pasasalamat"
"Siya yung minsan nakikita ko sa may seven eleven binibigyan ko sya tuwing nakikita ko may kasama pa nga sya minsan na bata naawa talaga ako Kay lolo parang nahihirapan sya huminga pero nakikita mo parin sa kanya mga ngiti na di sya nahihirapan"
At sana sa mga makakabasa ng kwentong ito ni tatay Ed, huwag nating kalimutan na siya ay abutan ng pagkain o kahit na maliit na halaga pa iyan.