Nanay na OFW, pinagsalitaan ng masakit at mInura ng kanyang anak matapos hindi makapagpadala ontime ng pera - The Daily Sentry


Nanay na OFW, pinagsalitaan ng masakit at mInura ng kanyang anak matapos hindi makapagpadala ontime ng pera



Larawan mula sa Google at Confession website




Masakit para sa isang ina ang bastusin ng anak mas lalo pang pagsasalitaan ka ng masama matapos hindi maibigay ang gusto.


Nakakalungkot na eksena ito lalo na kung ang ina ay nag tatrabaho sa ibang bansa bilang Overseas Filipino Worker (OFW) para sa kanyang mga anak na naiwan sa Pilipinas.


Napakahirap din para sa isang OFW ang tiisin ang lungkot at pangungulila sa pamilyang naiwan sa bansa, lalo na ang mga ina na tiniis ang sakit na hindi makapiling ang kanilang anak. 


Dahill malayo sa anak ay hindi nila ito nagagabayan ng maayos at hindi natuturuan ng tamang asal habang lumalaki.


Kapalit ng pagtitiis at pangungulila ay ang katuparan ng kanilang pangarap na mabuhay ng maalwan ang pamilya at mabuo ang nais para sa mga anak.


Larawan mula sa Confession website


Larawan mula sa Confession website



Kumita ng malaking pera at makapag padala sa Pilipinas para sa mga mahal sa buhay.



Pero paano nalang kung anak mismo ang magbitiw ng masasakit ng salita laban sa ina dahil hindi ito makapag padala ng pera.


Katulad nalang ng isang inang OFW na ito na nakatanggap ng hindi inaasahang mensahe at masakit na salita mula sa anak matapos hindi matupad ang pangakong pagpapadala ng pera sa kanya.


Mula sa screenshot ng kanilang usapang mag ina, mapapansin na ang walang respetong reply ng anak sa kanyang ina.


Sa una ay sinabi ng nanay na hintayin umano ang perang kanyang ipapadala ngunit naantala at kinabukasan pa maipapadala.


Pinilit ng anak na makisakay sa iba ang nanay kung walang maghahatid sa kanya upang makalabas ng bahay.


"puro ka pala bukas bukas sinabi ko na ngayon ako magbabayad eh" sagot pa ng anak*


Larawan mula sa Confession website


Nagpaliwanag naman ang ina at sinabing hindi pa siya pinayagang lumabas ng kanyang amo kaya maaring maantala pa ng kaunti ang padala.



Dahil dito, nag mura na ang anak at nagsabi pa ng mga masasakit na salita para sa inang hindi nakapagpadala agad ng pera sa takdang araw na ipinangako.


Pinagsabihan naman ng nanay ang anak na matuto sanang rumespeto sa kanya at nakakaiyak na nagpapakahirap siya ngunit babastusin lang ng anak.


Larawan mula sa Confession website


Larawan mula sa Confession website