Mga larawan mula sa Facebook @Ericka Salvador |
Kumakalat ngayon sa social media ang kuha ng isang netizen na nakapansin sa isang matandang lalaki na naka upo sa hagdanan ng isang saradong tindahan kung saan ay natutulog ito sa tabi ng kalsada, sa gitna ng init ng araw na walang face mask at face shield sa Tagumpay, Montalban.
Ayon sa netizen at uploader na si MS. Ericka Salvador, palagi daw nyang nadadaanan ang matandang lalaki kahit na tirik ang araw ay nandun lamang sya, kaya nakaramdam daw si Ericka ng awa para sa matanda.
Hanggang sa isang araw ay naisipan nyang gisingin at tanungin na din ang matanda kung bakit palagi nya itong nakikitang natutulog sa mismong pwesto sa tuwing mapapadaan sya.
Ani ng matanda, sya raw ay walang trabaho, dito na rin daw sya halos nakatira at ang tangi lamang nyang pinagkukunan ng pagkain sa pang araw araw ay pagtitinda ng kaunti nyang mga kahoy na panggatong.
May katandaan na talaga si tatay, ito ay nasa walumpu't tatlong (83) taong gulang na, at hindi pala sya taga Montalban kundi taga Quezon City sya.
Nangako si ateng netizen na babalikan nya si tatay upang abutan ng kaunting tulong kahit pang meryenda lamang. *
Mga larawan mula sa Facebook @Ericka Salvador |
At pagdating ng hapon ay bumalik nga si Ericka kasama ang kanyang fiance, upang abutan ng makakain ang matanda. Laking gulat pa ni tatay dahil bumalik nga ang netizen na ito upang tuparin ang kanyang sinabi.
Kwento pa ng netizen, kitang kita umano ang saya kay tatay dahil sa magandang ngiti ang bungad nito sa kanila. Masaya si Ericka sa ginawa nyang pagtulong sa matanda na kahit sa maliit na paraan lamang ay napasaya nya ito.
Nais ni Ericka na manawagan sa mga netizen na kung makikita nila si tatay ay sana maabutan ng kaunting tulong man lang ito. Nais din umano magpasalamat ni tatay sa mga taong tumutulong sa kanya palagi, isang sundalo daw ito.
Narito ang buong post ni Ericka tungkol sa matanda na kanyang ibinahagi sa facebook page ng Taga Montalban kami Buy and Sell na may hashtag na 'Sana ay marami pa po ang tumulong kay tatay':
Mga larawan mula sa Facebook @Ericka Salvador |
"Napadaan ako ng tagumpay
Last time nakita ko sya natutulog sa tabi ng kalsada at walang FACESHIELD at FACEMASK
At sobrang init pa, naisipan ko syang gisingin
At pa-miryendahin at syempre para matanong ko sya bakit dun sya natutulog kahit sobrang init, sabe nya sakin
Dito na daw sya halos nakatira, jan sa hagdan na yan kung
San sya nghahanap buhay ,at ang hanap buhay ni tatay ay ngtitinda po sya ng kahoy pang-gatong yun lang Daw ang hanap buhay nya,at si tatay ay hindi pla talaga taga dito ,sya po ay taga QC. At sya ay may edad na 83 years old , pero nghahanap buhay pa rin sana po may mga mabubuting puso na may patuloy na tumutulong kay tatay, at salamat din po sa tumutulong sa knya na SUNDALO daw po,godbless SIR
At sabe ko sa kanya babalikan ko sya para bigyan ko
Ng faceshield at facemask,nung hapon bumalik kami
Ng aking mapapangasawa at nagulat sa akin si tatay
Kasi binalikan ko daw sya ,ang ganda pa ng ngiti nya
At tingin ko kahit konti ,napangiti ko si tatay sa maliit na tulong ko sa kanya ang sarap lang sa pakiramdam na kahit maliit na tulong nakapagpangiti ako na tulad ni tatay na
Mag-isa at nahihirapan sa ganon sitwasyon.
GODBLESS SAYO TATAY"