Viral nanaman ang open letter ng isang ina para sa Department of Education (DepEd) patungkol sa isinasagawang online classes na nagsimula noong October 5, 2020.
Photo credit: ABCNews
Sa Facebook post ni Ganaden Mary, sinabi nitong wala umano sa DepEd o sa mga guro ang tunay na hirap sa online classes, kundi nasa mga magulang at sa mga bata.
Aniya, ibang-iba ang “LEVEL OF EDUCATION, INTELLIGENCE, UNDERSTANDING and PATIENCE” ng isang teacher kumpara sa isang magulang na walang tinapos o walang experience sa pagtuturo.
Dagdag pa niya, ang mga guro ay may bayad kaya kahit magpuyat raw ang mga ito sa kakaprint ng mga modules ay may sahod naman sila.
Tanong ni Ganaden, paano raw kung ang isang magulang ay maraming anak at magkakaiba ang grade?
“Hindi lang yan basta-basta ipapabasa at sagutin. Kailangan ipa-intindi ng parents para masagutang maayos ng bata.”
Photo credit: Philippines.licas.news
Aniya, hindi raw posible sa isang magulang na turuan ang kanyang anak dahil kailangan rin nitong maghanap buhay upang may ipambili ng pagkain.
Mabuti pa raw ang mga guro dahil nakakapag-adjust sila, “Pero para sa amin na parents ito ay napakahirap, lalo na sa mga nag tatrabahong parents.”
“Hopefully, makaabot ito sa head ng DepEd. Struggle is real sa bata. Kaya naming makapag submit ng module pero pano ang ibang students at parents?? I am posting this on behalf sa mga parents at hindi talaga kaya,” sabi ni Ganaden.
Narito ang kanyang buong post:
“DEAR DepEd,
Ang struggle ngayon hindi sa inyo, kundi sa mga parents. Ang LEVEL OF EDUCATION, INTELLIGENCE, UNDERSTANDING and PATIENCE sa isang teacher vs nanay na walang tinapos at walang experience of teaching. It has a BIG DIFFERENCE!! Ang mga TEACHERS its their profession and they are paid. Kahit mag puyat sila sa kakapag print ng modules okay lang, kahit face to face yan ang trabaho nila. Paano ang mga parents na may 2 or more children at iba-iba ang grade ng kanila anak? May Grade 1, may Grade 3, may grade 5 and each student have 8 to 9 subjects/modules. Hindi lang yan basta-basta ipapabasa at sagutin. Kailangan ipa-intindi ng parents para masagutang maayos ng bata. Paano ang parents na "NO HOW?" Sasabihan nalang ba ang bata na "kumatok ka nalang sa kabilang pintuan Nak at mag patulong!" Imagine, 8 to 9 different subjects, parents lahat???
Kahit teachers may mga dedicated subject lang na tinuturuan. Mag text at tumawag lang kina Mam/Sir. They will stay sa kanilang phone to cater questions regarding modules for 1 parent.
DEP ED insists to start the class by October which is very too late. I'm in favor na ihinto ang SCHOOL YEAR ng High School at ELEMENTARY. Kung hindi mahabol at maintindihan ng mga bata ang module, ibig ba sabihin nyan failure ang bata??
Sasabihin ninyong mag tulungan lang. Its not possible for those parents na walang time to teach their children, dahil nag tatrabaho rin para may ipapakain sa mga bata. Hanapan ng paraan? HOW? Tutor? Para lang yan sa makaka afford!
Iniisip nyo lang ang 2020's budget, hindi ninyo inisip ang parents na hindi kayang makapag turo sa mga kabataan. At hindi makapag afford ng load para sa research. We are all affected with this pandemic. Ang teachers makakapag adjust lang sila. Pero para sa amin na parents ito ay napakahirap, lalo na sa mga nag tatrabahong parents.
Hopefully, makaabot ito sa head ng DepEd. Struggle is real sa bata. Kaya naming makapag submit ng module pero pano ang ibang students at parents?? I am posting this on behalf sa mga parents at hindi talaga kaya.”
***
Source: Ganaden Mary | Facebook