Kung ang ibang ama ay tumatakas sa kanilang mga responsibilidad sa bata matapos makabuntis, narito ang isang tatay na gagawin ang lahat maitaguyod lang ang kanyang pamilya sa kahit anong malinis na paraan.
Malaking hamon ang hinarap ng lahat simula ng magkaroon ng pandemya. Pero mas matindi ang naging epekto nito sa mga taong walang-wala sa buhay na hindi kayang tumigil sa paghahanapbuhay.
Katulad na lang ng isang matandang lalaki na ito.
Kamakailan lang ay nag-trending sa social media ang larawan ng isang ama kung saan makikitang dala-dala nya ang maliit na anak habang nagtitinda ng lobo.
Sa panahong marami ang nag-iingat at hindi lumalabas ng kani-kanilang bahay sa takot na mahawa ng sakit, pinipiling pumunta sa kalye ng kaawa-awang lalaki upang maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak.
Ayon sa Facebook post ng netizen na si Jandale Gacasa Forrester, kasa-kasama ng naturang tatay ang kanyang anak habang naghahanapbuhay ito.
Narito ang detalye:
"Di ko alam pero subra akong nahabag kay tatay... bukod sa nagtitinda sya kasama nya pa anak nya! God bless you tay masyado nyo sinaktan ang puso ko❤ magiingat po kayo at ang anak nyo! Di nyo alintana ang panganip pero nag susumikap kayong itaguyod anak nyo😭 subra akong naiiyak🤗❤🙌🙏 GOD BLESSED YOU PO PLEASE PA SHARE NAMAN PO
May tatlo syang anak Sabi nya sakin taga cavite daw sya! Wala pa syang Benta KAYA nagpahinga lang daw muna sila kasi subrang inaantok ang Bata😭❤🙏🙌 God blessed you tay Buhusan nawa kayo ng madaming biyaya in Jesus name AMEN🙏
P.S
Sa mga nakakita at nag share ng post ko abouth kay tatay at sa bata!gusto ko lang po ipaalam na sana po kung magbibigay kayo ng tulong dretso nyo na lang po sana sa kanya! Wala pong cellphone si tatay. ang sabi nya lang po sakin taga cavite sya.may asawa at may tatlong anak! Pero ttry ko po na mahagilap at mahanap sila bukas... gusto ko lang po maging maayos kung sino man ang gustong tumulong! God bless and salamat po sa inyong lahat... stay safe and healthy everyone! ❤🤗🙏🙌