Magkapatid, sabay nag-aaral gamit ang isang gadget para sa kanilang online class - The Daily Sentry


Magkapatid, sabay nag-aaral gamit ang isang gadget para sa kanilang online class




Mga larawan mula sa The Philippine Star


Sa gitna ng krisis sa pandemya na nararanasan natin ngayon, marami sa ating pamumuhay ang labis na naapektuhan. Ilan na dito ang napakaraming manggagawa na nawalan ng trabaho, mga negosyante na hindi makapagbukas ng kanilang mga negosyo, mga pampublikong tranportasyon at higit sa lahat ang edukasyon ng ating mga kabataan.


Dahil sa pandemya, kailangan nating mag adjust at sumabay sa hamon ng panahon upang hindi tayo mapag-iwanan. 



Kailangan nating matutong gumawa ng mga paraan, at huwag iasa lahat sa gobyerno ang mga bagay na kaya naman natin iambag sa solusyon.


Marami sa ating mga kababayan ang naging malikhain dahil sa tawag ng pagkakataon. Ang iba ay bumaling sa online selling, ang iba naman ay nag iba ng diskarte sa buhay upang kumita ng pera para sa mahal sa buhay. 


Samantala, ang iba nating mag-aaral ay kanya kanya na din sa diskarte upang makapagpatuloy sa kanilang pag-aaral. Bagaman mahirap man, ay kahit papaano ay nakakagawa ng paraan.


Isang halimbawa na dito ang magkapatid na nakunan ng litrato ng The Philippine Star, kung saan ay magkahati sila sa iisang gadget upang gumawa ng kanilang mga modules para sa kanilang online class.*


Mga larawan mula sa The Philippine Star


Makikita na mahirap lamang ang magkapatid na ito at sa labas lamang sila ng kanilang barong barong na bahay sa tabi ng daan sa General Luna, Manila nitong Huwebes. Mga mag-aaral ng Justo Lukban Elementary School, isang pampublikong paaralan sa Maynila ang magkapatid.


Ngunit sa kabila nito, hindi nila alintana ang kanilang kalagayan bagkus patuloy pa rin sila sa pag aaral at bakas ang determinasyong matuto.


Kinagiliwan naman ng mga netizens ang mga larawang ito at ang iba naman ay nagbigay ng kanilang mga opinyon hinggil sa kalagayan ng mga bata. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


"Determination of these children should be coupled with the proper support from our government. The right policies in place could provide them with better chances in reaching their goals and a better life in the future." pahayag naman ni ginoong Ryan Doronilla. *


Mga larawan mula sa The Philippine Star


"Yun mga apo ko ganyan din buti n lang nd sabay un classes nila pinili nmin modular print pero kailangan pa rin ng on line kc dun nag lecture c maam thru online paani nila ssagutin un mga excercises sa modular print kung nd ilecture pero khit mahirap ay adjust kami mhirap kc un puro reklamo kung ano meron appreciate ntin makuntenko kung ano kaya." ani ng isang ginang na si Silvana Buquel.



"Wag kayo maawa matuwa kayo kasi sa edad nilang ganyan marunong na silang dumiskarte at dahil don nalaking aral ang makukuha nila jan." sabi naman ng isang netizen.


"Buti nga po nag provide si Yorme ng kahit isa eh..kesa sa dating walang magamit.Kung kaya lang ni Yorme bigyan lahat malamang ginawa npo nya,para lang walang mga nega na nasasabi ung mga iba jan." pagtatanggol ni Bb. Lesley Ann. *


Mga larawan mula sa The Philippine Star