Photo credit to the owner |
Sa panahon ngayon, sinasabing ang chismis ay hindi na lamang kumakalat sa pagitan ng magkakapit-bahay, parlor o opisina. Dahil pati online ay in demand na din ang chismisan.
May kilala ka bang mahilig sa tsismis at sumali sa tsismisan? Ang mahihilig sa chismis, lalo na ang mga below the belt na paratang, ay maaari na raw imbestigahan at kasuhan. At hindi lamang ang mga chismis sa labas ng bahay natin ngayon ang issue dito, kundi ang tsismis na umaabot din hanggang sa social media ay pasok raw diumano sa posibleng kaparusahan!
Photo credit to the owner
|
Noong una ay depende lamang sa isang barangay ang pagbibigay ng isang ordinansa kung saan ipinagbabawal ang pagkalat ng maling istorya o chismis sa mga kanilang lugar. Ito ay depende sa reklamong ihahain laban sa kanila. Bawat reklamo ay may kaakibat na multa.
Photo credit to the owner |
At ngayon nga, bukod sa ordinansang ipinatutupad na sa ibat-ibang barangay, meron na din raw diumanong Criminal cases na pwedeng harapin ang mga nag-papakalat ng mga chismis.
Ito ay sumasailalim sa Section 94 of Republic 10951, Article 358 sa Revised Penal Code ng bansa.
Ang atikulong iyan ay nagsasaad ng mga sumusunod:
"Oral defamation is a crime punishable under Section 94 of Republic 10951, which amended Article 358 of the Revised Penal Code of the Philippines. Oral defamation may either be simple or grave. It becomes grave when it is of a serious and insulting nature."
Photo credit to the owner |
Iba din daw ang usapin kapag sa social media ipinakalat ang chismis at mas marami ang kaso na maaaring harapin ng salarin dito.
Unang-una na ay ang violation of The Cybercrime Prevention Act of 2012 recorded as Republic Act No. 10175. Isang batas na humaharap sa mga legal issues tungkol sa online interactions and internet sa bansa.
Pangalawa ay Data Privacy Law, Republic Act 10173 na pumapasok diumano sa online libel na mayroon raw mas mataas na parusang maaaring umabot hanggang labing-dalawang taon na pagkakulong kung mapapatunayan.
Kaya sa mga nag-papakalat ng chismis, payo ni Atty. Duka na pag-isipang mabuti kung ayaw mong maparusahan at mapiit sa bilangguan.
Tandaan: Ang chismis, gaano man kaliit ang pinag-ugatan, ito ay lumalaki at maaaring makaapekto at makasira sa pagkatao ng pinag-uusapan.
Source: Stand for Truth, GMA Public Affairs