Lola nagmamakaawa sa kalsada upang manghingi ng tulong para pambili ng mga gamit ng apo pang online class - The Daily Sentry


Lola nagmamakaawa sa kalsada upang manghingi ng tulong para pambili ng mga gamit ng apo pang online class



 

Larawan mula sa post ni Jhronroe



Kamakailan lang ang nag viral so social media ang isang lola matapos itong mamataan na nagmamakaawa sa kalye upang matulungan ang kanyang apo na makabili ng mga kinakailangan para sa kanyang online class.


Ang batang babae ay isa na umanong ulila, kaya walang magawa si lola kundi maghanap ng paraan upang makapag aral pa rin ang apo kahit wala silang pera.


Ang kwento ni lola ay binahagi ng netizen na si Jhonroe Yu Cabildo na nasa Monumento Station umano nang mapansin ang matandang babae na kinilalang si Lola Laida Gracias ng Brgy. 160 sa Caloocan City.


Sa kabila ng kanyang edad, nandoon si Lola Laida sa mga lansangan sa pag-asang maaawa ang mga tao sa kanya at bibigyan siya ng kaunting pera para sa kanyang apo.


Ang ginagawang pagmamakaawa nil ola Loida sa kalsada ay para pala sa apong si Princess Jasmine, 11-taong gulang.


Nasira pala ang cellphone na gamit ni Princess Jasmine sa kanyang online class, ngunit dahil walang pera ay wala ring magawa si lola.


Wala nang mga magulang ang batang babae at si Lola Loida na lang ang tanging maaring makatulong sa kanya dahil ang kanyang lolo naman ay may karamdaman na. *


Larawan mula sa post ni Jhronroe


Dahil walang permanenteng kita, aminadong nahihiya man sya ay walang magawa kundi ang magmamakaawa na lamang si lola sa lansangan para sa kanyang apo at asawa.


Hindi naman daw namimilit si Lola Loida sa mga taong kanyang nilalapitan para hingian ng pera. Hindi rin niya sinisisi ang mga opisyal ng barangay kung hindi man siya matulungan ng mga ito.


Dahil labis na naawa sa kalagayan ni Lola at Princess Jasmine, minabuti ni Jhonroe na ibahagi ito sa social media upang manawagan sa may mabubuting puso na maaring makatulong sa mag lola.


Ayon pa kay Jhonroe, maliit lamang na halaga ang kanyang naibahagi kay lola, ngunit sana sa pamamagitan ng kanyang post ay umulan ng tulong para kay Lola Loida at sa apo nito na si Princess Jasmine na nangangailangan ng mga kagamitan para sa kanyang pag-aaral at sa kanilang pang-araw araw na gastusin.


Larawan mula sa post ni Jhronroe