Kwentong Krayola ng isang Bata at Guro, Umani ng Maraming Tulong, Saya at Pag-asa! - The Daily Sentry


Kwentong Krayola ng isang Bata at Guro, Umani ng Maraming Tulong, Saya at Pag-asa!



Photo credit to Teacher Velcher Castillo's Facebook account

Noong nakaraang Linggo ay sadyang nag-trending online ang Facebook post ng gurong si Velcher Castillo, kung saan kanyang ibinahagi ang isang proyekto ng kanyang mag-aaral na labis na nakapukaw ng kanyang atensyon dahil sa mensaheng iniwan nito sa ipinasang papel. 

"Sir wala po akong pambili ng krayola sorry po.", ang nakasaad na mensahe mula sa bata. Makikita din sa kanyang 'drawing' na kanya na lamang nilagyan ng label ang dapat na kulay ng damit na iginuhit.


Photo credit to Teacher Velcher Castillo's Facebook account

Kaya naman nagbigay din ng mensahe ang gurong si Castillo sa bata na nagsasabing naiintindihan nya ito at hindi nito kailangang humingi ng paumanhin. Kasama ng kanyang mensahe ay isang karton ng krayola na ibinigay niya dito.

"Don't be sorry, nak. I understand you. Here's a box of crayons for you. Keep up the good work! See you when this pandemic finally ends. God bless and stay safe."

"Para sa bawat estudyante, isang mahigpit na yakap. Kapit lang. Laban lang. Tuloy lang. Magkikita kita muli tayo. Know that your efforts are valid and appreciated. Kahit na at kahit pa.",
saad ni Teacher Velcher Castillo.

Ang post na iyon ay umani ng atensyon mula sa netizens at marami ang nagpahayag ng kanilang paghanga sa guro. Marami din ang nagsabing sila ay naantig at naiyak sa kwento ng bata. Sa kasalukuyan ay meron na itong 130k reactions, 2.3k comments at 56k shares. Dahilan kung bakit pagkatapos ng post na iyon ay marami na din ang nagpaabot ng tulong, hindi lang sa bata kundi sa iba pang mag-aaral na nangangailangan din. 


Photo credit to Teacher Velcher Castillo's Facebook account

Kwento ni Teacher Velcher, dahil sa kanyang kwentong krayola ay may isang bata siyang nabigyan ng saya at pag-asa at dahil sa iba pang nagbigay ng tulong ay mas marami pang pangarap ang makukulayan nila.

Tinawag niyang "PROJECT KRAYOLA": Ating Kulayan Pangarap Ng Mga Bata, ang nasabing proyekto. Isang proyekto na ayon sa kanya ay naglalayong mabigyan ng gamit pangkulay ang mga mag aaral na humaharap sa hamon ng pandemyang ito. Ito din daw ay magsisilbing daan upang makulayan ng mga mag-aaral ang kanilang mga guhit at likha. 

Photo credit to Teacher Velcher Castillo's Facebook account

Lubos ding napapasalamat si Teacher Velcher sa lahat ng nagpaabot ng kanilang tulong at sinabing
napakalaking bagay ito sa bawat mag aaral na nangangarap magkaroon ng pangkulay. Ibinahagi din niya kung saan maaring magpaabot ng kanilang donasyon ang mga nais pang tumulong at ibinahagi ang updates ng kanilang nalikom.


Basahin ang kanyang buong post sa ibaba: 

"As of today, meron na po tayong nalikom na P70,245.93

Sa lahat po ng nagpaabot ng kanilang mga tulong, maraming maraming salamat po.

Can't thank you enough for this. Hindi lang po ito basta pera, PANGARAP at PAG-ASA ito para sa mga bata. Patuloy po sana tayong magsilbing kulay para sa mga bata, lalo na sa panahon ngayon, tayo ay kailangan na kailangan nila. Kahit na at kahit pa.

Para po lagi po kayong updated sa development po ng ating proyekto at sa mga uusbong pang proyekto para sa mga bata, mayroon po akong ginawang Facebook Page. Visit niyo lang po ito: https://www.facebook.com/102557118315496/posts/102650228306185/

Sa mga nais pa pong magpaabot ng kanilang donasyon maaari niyo pong iabot sa mga sumusunod:
Gcash: Vel Christian Castillo
09952004690

BDO:
Acct. Name: Vel Christian L Castillo
Acct. No.: 012820023297

Lagi't lagi para sa bata.
-Teacher Velcher

Photo credit to Teacher Velcher Castillo's Facebook account