Isang pulis, hinangaan ng mga netizens matapos tulungang makatawid ang isang matandang PWD - The Daily Sentry


Isang pulis, hinangaan ng mga netizens matapos tulungang makatawid ang isang matandang PWD



Hindi lingid sa ating lahat ang pangit na imahe ng kapulisan. Ilang dekada na ang lumilipas ngunit marami parin tayong naririnig o nababalitaang mga tiwaling pulis.
Photo credit: Ronald Rodriquez

Maging sa mga pelikula o palabas sa telebisyon ay madalas ginagawang kontrabida ang mga pulis dahil narin sa kanilang masamang imahe.

Ngunit hindi lahat ng pulis ay masama. Marami parin sa kanila ang may mabuting puso at tapat sa kanilang tungkulin. 

Katulad na lamang ng isang pulis na nag-viral sa social media matapos tulungan ang isang matandang PWD na tumawid sa kalsada.
Photo credit: Ronald Rodriquez
Photo credit: Ronald Rodriquez

Ayon sa article ng ‘Filipino Tribune’, kinilala ang matanda na si tatay Luis Borce. Nakunan naman ang litrato ng netizen na si Ronald Rodriquez sa intersection ng Peñafrancia Ave. at Colgante Bridge sa Naga noong Setyembre ng gabi. 

Ayon kay tatay Luis, madalas siyang dumaan sa nasabing lugar papunta sa simbahan ng Naga City upang mamalimos at mairaos ang pang araw-araw na pamumuhay.

Nakaka ogmang hilingon” (nakakatuwang pagmasdan). Salamat sa mga sinserong mag-sirbeng mga pulis,” ayon sa caption ni Rodriquez.

Kinilala naman ang magiting na pulis na si Police SSgt. Charito Gernale Dico. Siya ay isang waray at kakadestino lamang sa Naga City. 
Photo credit: Ronald Rodriquez

Ayon sa ‘Filipino Tribune’, sinabihan pa raw ni sir Dico si tatay Luis na huwag ng mamalimos dahil bibigyan na lamang niya ito ng kanyang pangangailangan.

Nakilala rin si sir Dico na tumutulong sa ibang tao. Nagbibigay umano siya ng mga ayudang pagkain sa mga bata ng Barangay Panoypoyan, Bula. Galing raw sa kanyang rice allowance ang ipinapamigay nitong bigas.

Umani ng papuri mula sa mga netizens ang ginawang ito ni sir Dico.




***