Matandang nagtitinda sa gitna ng ulan, ikinagulat ang ginawa ng mga sakay ng isang delivery truck - The Daily Sentry


Matandang nagtitinda sa gitna ng ulan, ikinagulat ang ginawa ng mga sakay ng isang delivery truck



Photo by Patrick Mariano

Hinangaan ng maraming netizen ang ipinakitang kagandahang loob ng mga sakay ng isang delivery truck matapos bilhin at pakyawin ang tindang ice cream ng isang matandang lalaki na naabutan nila sa gilid ng kalsada habang umuulan.



Hindi alintana ang ulan, buong sikap na nagtitinda ang matanda akay-akay ang kanyang stroller na may laman na panindang ice cream.

Ito ang eksenang nakuhanan ng litrato at natunghayan mismo ng uploader na si Patrick Mariano.


Photo by Patrick Mariano

"Kanina habang nagliligapit ako sa kwarto, may nakita ako sa labas na delivery truck na biglang pumarada sa harap ng bahay naminDoon ko nakita na tinigilan pala nila si tatay na naglalako ng ice cream habang umuulan. Inubos na pala nila yung tinda ni tatay para makauwi na at hindi na magkasakit dahil raincoat lang at sumbrero ang suot na proteksyon sa ulan ni tatay," kwento niya.



Photo by Patrick Mariano


Sa isang larawan, kitang-kita ang tuwa ng matanda sa kabutihang ginawa ng sakay ng delivery truck mula sa Shalom Organic Fertilizer.

Photo by Patrick Mariano



Dahil dito, pinuri naman ng marami ang kabutihang kanilang ginawa maging ang kasipagan at inspirasyon na ipinakita ng matanda na sa kabila ng kanyang edad ay pilit pa ring naghahanapbuhay umulan man o umaraw.

"Shalom Organic Fertilizer, salute to you for reminding us that a small act of kindness can bring enormous impact on someone else. Seeing you do that gesture from a far without you knowing it inspired us to do better for other people. God sees your heart and may God bless your business MORE!"


Source: 1