Sa ibang tao ang pag-cancel ng isang delivery order online ay napakadaling gawin. Wala namang masama rito kung ikaw ay nagkamali o nagbago ang iyong desisyon, ngunit kung ito ay ‘confirmed’ na o ‘on the way’ na ang delivery hindi ito tamang gawin.
May mga pagkakataon rin na ginagawang biro ang pag-oorder online kaya naman maraming delivery riders ang nagkakaproblema kung papaano nila mababawi ang perang ipinambili para sa order ng loko-lokong customer.
Samantala, isang Grab rider sa Singapore ang mas piniling ipakain sa isang pulubi ang order ng kanyang customer matapos itong i-cancel.
Sa isang article ng Elite Readers, on the way na raw ang GrabFood rider sa kanyang destinasyon nang biglang i-cancel ng customer ang kanyang order. Imbes na mamoblema ay naisip ng rider na ibigay na lamang sa isang pulubi ang Mcdonalds na order sa kanya.
Photo credit: Elite Readers
Photo credit: Elite Readers
Narito ang buong caption ng GrabFood delivery rider:
“Customer (cancelled their) order so we plan to give to homeless people who need (the food). Today we help people, and another day, people will help us. #Provision should not be rejected.”
Umani naman ng papuri mula sa mga netizens ang ginawang kabutihan na ito delivery rider.
***
Source: Elite Readers