Estudyanteng katuwaang sinunog ang kanyang modules, ikinagalit ng mga netizens - The Daily Sentry


Estudyanteng katuwaang sinunog ang kanyang modules, ikinagalit ng mga netizens



 

Screencap photos from TikTok 


Pansamantalang naanatala ang normal na pasok sa mga paaralan dahil sa pandemya. Ito ay upang maiwasan ang pagkahawa at pagkalat ng kinatatakutang corona virus sa ating mga mag aaral.

 

Kaya naman iminungkahi ng ating pamahalaan na gawin na lang home schooling ang pagbubukas ng pasok sa eskwela nitong Oktubre lamang. *


 

Ang iba ay sa pamamagitan ng online class na lamang nagka klase samantalang ang iba namang walang kakayahang magpa kabit ng internet ay sa pamamagitan na lang ng modules na ibinibigay ng mga guro at sasagutan na lamang ito ng mga mag aaral.

 

Subalit sa dami ng modules na ibinibigay ng mga guro sa kanilang mga estudyante, karamihan sa mga ito ay ipinapadaan sa social media ang pagka dismaya dahil umano sa sang katerbang modules na dapat sagutan ng ating mga estudyante at halos na umanong nakasubsob sa kanilang mga aralin.

 

Halos araw araw ay laman ng social media ang mga reklamo ng mga estudyante at maging ang kanilang mga magulang ay nagrereklamo na din dahil sa sang damakmak na mga araling modules. Ang iba pa nga ay hindi na nakakayanan at minsan ay kinitil ang kanyang buhay. *

 

Screencap photos from TikTok 


Gaya na lamang ng isang video ng estudyateng ito kamakailan lamang, kung saan habang nagvi video gamit ang app na tiktok, hawak hawak nito ang kanyang modules at sinasabi nito sa kanyang video ng mga tips umano para mabilis matapos ang kanilang mga modules, maya maya pa ay sinunog na niya ang hawak na mga aralin sa kanilang klase.


 

Maraming mga netizen ang nagalit sa ginawa ng bunatilyo. Hindi naging magandang ehemplo ang ginawa nito.  At marahil ay gusto lamang nito magpasikat at kung ano pa man ang kanyang dahilan.

Ikinagalit ito ng mga netizens at kanilang sinasabi na halos ibigay lahat ng mga teachers makagawa lamang ng mga modules na ito.

 

Ngunit masakit isipin na bababayuin lamang ng estudyanteng ito ang kanilang pinag hirapan. Ang masaklap pa, baka gayahin pa ito ng ibang estudyanteng katulad nya. *

 

Screencap photos from TikTok


Ani ng estudyanteng kinilalang si Marjo Guilaran, “Tips para matapos na yung module mo: sunugin mo!” sabay bukas sa lighter na hawak at sinindihan ang mga papel na hawak naman sa kabilang kamay at sumasayaw pa habang kinukunan ng video ang sarili.


 

 “Tapos ibigay mo yung abo sa teacher mo…” dagdag pa ng batang estudyante na tila nangu ngutyang sinabi.

 

Matapos nito, inulan ng batikos ang nasabing video ni Marjo, hanggang sa napilitan na itong idelete sa social media at ayon pa sa komento ng isang netizen ay nag public apology na umano ang binatilyo sa mga naka panood at maging sa kanyang mga guro.

 

Nagpahayag naman ng sentimiento ang mga netizens na nakasaksi sa nasabing video ni Marjo. Para sa kanila, hindi sapat na nais mo lang maging sikat at sumunod sa uso kahit na negatibo ang kalalabasan nito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: * 



 
Screencap photos from TikTok 


“Really?? Is that the right thing to do?? Sana namn po kinoconseder natin iyong mga EFFORTS ng mga Teachers. Puyat, pagod, effort po ang puhunan nila dyan pati na rin kanilang kaligtasan. Kung ayaw nyong sagutan pwede namn na di na kayu kumuha diba atleast nakatipid pa sila ng ink at coupon. Kung sa tingin mo cool kana dyan, hindi po, nakakainis ka, bastos, at walang modo,” pahayag ng isang netizen na nagagalit sa ginawang video ni Marjo.


 

“Nabash masyado yang video ng batang yan sa Tiktok, kahit dinilete pa nya ang video, pero may mga nakapag save ng video nya, wrong move sya at nakiuso sa trending2x, misleading at disrespectful yang ginawa nya at ngayon he faced the consequences, nagbuhat siyag two videos nag public apology siya sa mga teachers at viewers.” Ayon naman sa isang netizen. *


Screencap photos from TikTok