Mga larawan mula sa Facebook |
Talaga namang mapapaiyak ka naman kung ang binili mo ng mahal at pinag-ipunan ng iyong mga magulang ay magiging bato lang pala.
Trending ngayon ang post sa social media kung saan makikita na napaiyak na lang ang estudyante matapos makitang mga bato pala ang laman ng delivery na kanyang hinihintay.
"Napaiyak na lang ang estudyanteng ito nang dumating ang laptop na inorder niya online. Ang laman kasi ng package, tatlong pirasong bato raw sa halip na laptop! Pinag-ipunan pa raw ito ng kanyang mga magulang mula sa pangingisda para may magamit siya sa online class ngayong darating na pasukan." ayon sa caption ng ABS CBN News
Ayon pa sa post, ang pinambili ng laptop ay mula pa umano sa inipon ng mga magulang ng mag-aaral mula sa pangingisda.
Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na higit na kailangan ngayon ng mga estudyante ang gadget katulad nalang ng laptop at cellphone para sa online class.
Matapos na kumalat ng nasabing post sa social media, maraming netizens ang naantig sa sinapit ng batang estudyante. May mga nanawagan din na sana ay may magbigay ng tulong para sa nasabing mag-aaral.*
Mga larawan mula sa Facebook |
"#raffytulfoinaction patulong po kwawa nmn un bata at pra maimbistigahan nrin yun mga gnyn gawain ng mga wlng pusong courier/seller/ packager lht cla imbistihan pra matuldokan na ung mga gawain gnyn"
May mga netizen naman na nagbigay din ng payo sa ibang mamimili sa online shops, na dapat ay piliin ang Cash on Delivery na option kung maaari lalo na sa mamahaling bagay.
Mga larawan mula sa Facebook |
"Grabe siguro paghihirap ng bata at ng magulang nya para makaipon ng pangbili tas babalasubasin lang kung cod ang transaction at malaking halaga eh much better na buksan muna ang item bago iabot ang pera"
"Mainit sa mata pag high valued items especially gadgets sana tanggalin ni Lazada at Shopee to or kung pwede kunin na third party logistics is yung legit at maganda ang standing like LBC. Nakakalungkot lang. Anyway pwede replace naman yan kaso baka need na ng bata yung laptop need pa mag return at investigate. "