Dahil sa kumakalat na sakit sa buong mundo, pansamantala munang ipinatupad ang online classes sa ating bansa upang maipagpatuloy ng mga kabataan ang kanilang pag-aaral.
Dahil sa bahay na lamang isinasagawa ang pag-aaral, naging responsibilidad na ng mga magulang ang pagtuturo at pagtulong sa mga gawain ng kanilang anak.
Samantala, isang hinaing mula sa isang ama ang umantig sa puso ng teacher na si Arlene Furiel mula sa Bangued West Central School sa Abra.
Ayon sa sulat, habaan raw sana ng mga guro ang kanilang pasensya na unawain ang sitwasyon ng bawat magulang dahil hindi lahat ay may mahabang oras na turuan ang kanilang mga anak.
“As parents, we are willing to do all the duties and responsibilities you gave us. We are trying our best to do the task as far as our child to learn, especially in times like these. But we are asking for your understanding,” ayon sa sulat.
Ayon kay teacher Arlene, nakalakip ang sulat ng tatay sa feedback form ng paaralan.
Nagpaturo rin si tatay kay teacher Arlene upang sa gayun maituro niya nang tama ang leksyon sa kanyang anak.
Sa ngayon, siya lamang ang inaasahan ng kanyang anak sa pagsagot ng kanyang mga modules dahil ang kanyang asawa at ina ng kanyang asawa ay parehong may sakit, kaya lahat ng trabaho sa bahay, pag asikaso ng kanilang negosyo at pagtuturo sa kanyang anak ay kanyang ginagawa.
Narito ang buong sulat ng ama:
“To our dear teachers,
As a parent, we are willing to do all the duties and responsibilities that you gave us. We are trying our best to do the task as far as our child to learn specially at times like this. But we are asking for your understanding. The parent’s guide that you gave us is not being followed due to our time. There are necessities that we must do too. We teach our childrens/child by trying to manage our time. And we hope that we can give more time to our child so that he will learn. We are asking you dear teachers for your understanding. Please extend your patience for us to adjust. Hoping for your consideration maam.”
***
Source: DepEd tayo Abra | Facebook page