Dumagsa ang tulong! Estudyanteng naloko sa online store, nakatanggap na ng tunay na laptop, binalik pa ang perang ipon - The Daily Sentry


Dumagsa ang tulong! Estudyanteng naloko sa online store, nakatanggap na ng tunay na laptop, binalik pa ang perang ipon




Mga larawan mula kay Edison Bong Nebrija/Facebook



Matapos magtrending sa social media nitong Huwebes lang ang insidente kung saan ang isang third year college student na anak ng isang mangingisda, ay ma-scam sa inorder nitong laptop mula sa isang on line shopping app, na sa halip laptop sana ang laman ng kahon ay mga bato pala ang nakapaloob dito.*


Gagamitin sana ng naturang estudyante na si Arthur Baylon, third-year BS Hospitality Management student, mula sa bayan ng Guimaras, sa nalalapit na pagbubukas ng on line class.


 

Ang masaklap pa dito, galing pa sa napag ipunang kita mula sa pagsama ni Arthur sa pangingisda ng kanyang ama ng magsimula ang lockdown, kaya naman nakalikom ito ng halagang P24,000 na pambili ng laptop dahil sa pursigido ang binata na makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang kaniyang mga magulang.

 

“No’ng nagsimula ang lockdown, ako na ang sumasama sa aking tatay sa pangingisda so ‘yung nakikita namin, tinitipon ko ‘yun lahat kasi pangarap ko talaga na magka-laptop para sakaling mag-online class, madali rin sa’kin makapuna ng aking mga gagawin sa school,” kuwento ni Arthur sa  "Stand for Truth" sa GMA News "24 Oras". *

Larawan mula kay Edison Bong Nebrija/Facebook



“Sa cellphone, hindi ka makakapag-multitask kagaya ng sa laptop na nag-o-online video chat kayo kasama ng mga teachers mo while doing something, nagta-type ka ng mga important matters. Kasi sa cellphone, one tab lang siya e,” dagdag pa ng binata.


 

Sa kabila ng pangyayaring ito, Salamat na lang sa Dios at may mga tao pa ring may mabubuting loob at nagtulong tulong upang mabigyan ng isang tunay na laptop si Arthur. At bukod pa dito, naibalik din sa kanya ang mahigit P22,000 na pinag ipunan nitong halaga upang ipambili ng laptop.

 

Ayon sa balita ng Super Radyo DZBB nitong Sabado, nagtulong-tulong sina Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) EDSA Traffic Chief Colonel Bong Nebrija, Presidential Anti-Corruption Commission Commissioner Greco Belgica at negosyanteng si Gabriel Go upang mabilhan ng bagong laptop kasama ang mga accessories nito, at ibinigay sa estudyanteng na scam. *

 

Larawan mula kay Edison Bong Nebrija/Facebook



Ayon sa kwento ni Baylon, sinabi nito na tinawagan siya ng grupo nina MMDA traffic chief Col. Nebrija nitong Biyernes, at agad din niyang nakuha ang padala nila ngayong Sabado ng hapon. Ibinahagi din nito sa mga awtoridad ang panggogoyo na nangyari sa kanya.

 

Lubos naman ang pasasalamat ng nasabing estudyante sa natanggap niyang donasyon, at napakalaking tulong na ito para sa kaniyang pag-aaral at pangarap niya talagang makapag tapos ng pag-aaral.

 

Samantala, pinag-iingat naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang publiko ukol sa pagbili ng mga gadget sa mga online shopping app at iba pang online seller hinggil sa mga ganitong insidente.


 

“Mayroong mangilan-ngilang nangyayaring ganyan, ‘di lang natin ma- trace kung sa seller ba mismo o sa logistics company. Regardless, ang engagement ng consumer is with the seller. Kahit isisi nila doon sa logistics company, wala pong kinalaman doon 'yung bumili. Si seller ang may obligasyon na to make sure na makarating sa kaniya 'yung tamang in-order niya,” paliwanag naman ni Undersecretary Ruth Castelo ng DTI Consumer Protection sa panayam ng ABS-CBN news. *


Mga larawan mula sa Facebook



“Kailangang i-check ng mabuti ang binibili natin at binibilhan,” dagdag pa ni Usec. Castelo.

 

Ani pa ng DTI Consumer Protection chief, ang kagandahan dito, sa online platform bumili si Baylon at hindi dumiretso sa seller.

 

“Kung sa iba niya 'yan binili, individual seller na unregistered maraming nangyayari na biglang nawawala na lang 'yung seller. Hindi na mate-trace. Hindi magandang experience baka hindi na (siya) umulit,” pahayag pa ni Castelo.

 

Nai-refund naman umano ang pera ni Baylon sa online wallet niya na muli niyang ginamit para ma-reorder ang laptop.


 

Ipinangako rin ni Usec. Castelo na makikipag-coordinate sila sa naturang online platform para personal na matiyak na makarating kay Baylon ang kaniyang biniling laptop.

 

Nagpahayag naman ng mga pasasalamat at paghanga ang mga netizens sa magandang balitang natanggap ni Arthur, narito ang ilan sa kanilang mga pahayag: *

Larawan mula kay Edison Bong Nebrija/Facebook


 

“God is good dahil mayroon pa ring mga tao na matulungin at gracious kahit may Ilan na evil heart din dahil nagpadala ng bato sa bata!! God blessed you guys with a good hearts!!”

 

“We are so happy to see you happy boy and thank you sa mga nagmalasakit...na feel ko yung sadness ng mapanood ko kasi kasing edad ng anak ko yata sya . Ganyan din anak ko nangarap magka laptop kaya todo kayud din ako makuha lang...yeah....happy for you…”



“Salamat sa tumulong sa bata na magkaroon na ng tunay na laptop, pero sana po wag sanang isa walang tabi ang nangyari sa online scam, sana may managot sa nangyari,at bigyan ng kaukulang parusa, kasi kng hndi maparusahan yung gumawa, marami parin ang mangangahas ng loob na gumawa ng ganung gawain at mamimihasa.”

 

 

Screencap photos from Twitter