Dating milyonaryo, namulubi matapos maubos ang pera sa pagsagip ng mga kakataying aso - The Daily Sentry


Dating milyonaryo, namulubi matapos maubos ang pera sa pagsagip ng mga kakataying aso




Kahit sino ay may posibilidad na umangat sa buhay at magkaroon ng maraming pera na higit pa sa sobra. Pero hindi lahat ay napapanitili ang kanilang pagiging mayaman bunga ng iba't-ibang rason.


Mayroong mga naghirap dahil sa masamang bisyo, mayroon din namang mga bumagsak dahil sa napakamaluhong pamumuhay. Ang iba ay nawalan dulot ng katakot-takot na gastos sa pagpapagamot, samantalang ang ilan ay piniling mapanatili ang simpleng pamumuhay kung kaya't inilaan ang kanilang yaman sa pagtulong sa mga nangangailangan.



Subalit kakaiba ang sinapit ng isang lalaking ito na dating milyonaryo ngunit naghirap dahil sa kanyang hindi pangkaraniwang hangarin: ang maisalba lahat ng mga asong nakatakdang katayin sa kanilang lugar.


Ayon sa ulat, sa kasalukuyan ay wala nang miski isang kusing ang 29-anyos na good samaritan bunga ng kanyang kabi-kabilang pag-rescue sa mga kaawa-awang aso.


Para kasi hindi matuloy ang nakakalungkot na kahihinatnan ng mga naturang hayop, ay binibili nya ang mga ito at inaalagaan.


Ang nasabing batang milyonaryong ay isang matagumpay na negosyante at nagmamay-ari ng isang pabrika ng bakal.


Sa kasamaang palad, nagiba ang takbo ng kwento magmula nang mawala ang kanyang alagang aso noong 2012. 


Sa kabila ng matyagang paghahanap ay hindi nya ito nakita. Mabuti na lang ay may nakapagsabi sa kanya na maghanap sa mga shop na katayan ng aso.


Nang puntahan nya ang mga ito, hindi nya nakita doon ang kanyang alaga. Gayunpaman, lubos syang nahabag sa sitwasyon ng mga kawawang aso doon.


Tumatak sa kanya ang masaklap na sinasapit ng mga aso sa lugar ng mga katayan kung kaya mula noon ay ipinangako nya sa sarili na lahat ng mga aso na nakatakdang katayin ay bibilhin nya.


Para maligtas ang mga ito, nagpupunta sya sa lahat ng mga katayan ng aso sa kanilang probinsya at binili ang mga aso na syang naging dahilan para maubos ang kanyang yaman at mamulubi.


Kinilala ang lalaki na si Wang Yan na negosyante mula sa Changchun, sa probinsiya ng Jilin, China.