Dahil sa pagpigil ng bahin, lalaki nagkaroon ng kakaibang kondisyon sa lalamunan hanggang rib cage - The Daily Sentry


Dahil sa pagpigil ng bahin, lalaki nagkaroon ng kakaibang kondisyon sa lalamunan hanggang rib cage




Kahit pa alam ng lahat na normal na nangyayari ito sa ating katawan, may mga taong sadyang natatawa sa tuwing may mababahin lalo na kung nangyari ito sa tahimik na lugar, partikular na sa simbahan, library, elevator, o maging sa sinehan.


Kung kaya naman ang iba ay pinipigilan na lamang ito para hindi sila mapahiya o mapagtawanan. 



Ngunit dahil sa pagpigil sa kanyang sarili para hindi bumahin, isang lalaki ang nagkaroon ng kakaibang kondisyon na labis nyang pinagsisihan. 


Ayon sa ulat, inilahad ng mga doktor mula sa Emergency Department ng Britain's Leicester Royal Infirmary ang kakaibang sinapit ng isang 34-anyos na lalaki matapos nilang pag-aralan ang kalagayan nito. 



Base sa lalaki, sinubukan nyang pigilan ng sapilitan ang kanyang pagbahin sa pamamagitan ng pagpisil sa kanyang ilong at pagsara ng kanyang bibig. Dulot nito, ang malakas na pwersa ng hangin na dapat ay lumabas ay naging paloob. 


Pagkatapos noon, agad naramdaman ng walang kamalay-malay na lalaki na may mali na pala sa kanyang katawan.


Hindi na kasi umano sya makalunok ng maayos dahil masakit sa pakiramdam kapag ginagawa nya ito. Bukod pa doon, nagkaroon din ng wirdong pagbabago sa kanyang boses at namaga ang kanyang leeg. Higit sa lahat, pag igagalaw nya ito ay nakakarinig raw sya ng "popping and crackling sensation" na umabot hanggang sa kanyang rib cage o tadyang. 


Nang check-up-in sya ng mga doktor, napagalaman nilang nagkaroon ng maliliit na "streaks of air" o butas sa "soft tissue" ng kanyang leeg at "chest compartment between the lungs". Tinatawag itong "subcutaneous emphysema and pneumomediastinum." 


Sa madaling salita, literal na pumutok ang kanyang lalamunan sanhi ng pagpigil sa hangin mula sa pagbahin.


Na-confine sa ospital ang lalaki ng ilang araw kung saan ginamot sya ng antibiotic para makaiwas sa impeksyon at pansamantala syang pinakain gamit ang tube.



Makalipas ang dalawang buwan, nagbalik na sa normal ang buhay ng lalaki at wala nang anumang iniinda pa dahil sa nangyari.


Payo ng mga eksperto, "Halting sneeze via blocking nostrils and mouth is a dangerous maneuver and should be avoided."