Carwash boy noon, milyonaryo na ngayon - The Daily Sentry


Carwash boy noon, milyonaryo na ngayon




Hindi lahat ng mahihirap ay nananatiling salat sa pamumuhay hanggang sa pagtanda. Marami sa kanila ang nakakaangat sa buhay dahil sa iba't ibang rason. Ang ilan ay nakaahon matapos maswerteng matulungan ng ibang tao, samantalang mayroon namang yumaman na tanging sipag at tyaga lamang ang naging puhunan. 


Isa na rito ang dating carwash boy na si Edmar Batac na nakamit ang nagtagumpay sa kabila ng maraming pagsubok.

Produkto ng broken family na walang wala, maraming dahilan si Edmar para sumuko. 



“Ultimo panonood ng TV, pagbukas ng electric fan, baka malakas daw sa kuryente. Minsan pagkain, ‘oh kumain ka na. Tirhan mo yung kapatid mo. Tirhan mo yung stepfather mo. Yung pinambabaon mo, sa halip na napupunta sa kapatid mo, sa’yo napupunta,”  pagbabahagi ni Edmar.

Pero hindi sya nagpatalo sa mga hamon na ito bagkus, nagpursige sya ng maigi at labis na nagsumikap para maisaayos ang kanyang kinalakhan na magulong pamumuhay.


Sa murang edad ay sari-saring raket na ang pinasok nya noon para lang kumita ng pera dahil ultimo sarili pa raw nyang mga kadugo ang pinagdadamutan sya.

High school pa lamang sya ng sya ay maging isang tindero sya ng gulay, parking boy, taga-bantay ng computer shop, at kinalaunan ay naging carwash boy. 

Sinubukan din nyang magbakasakali sa abroad kaya nakipagsapalaran sya sa Macao noon ngunit bigo syang umasenso doon dahil sa hindi pinalad na makahanap ng trabaho. Dahil dito, umuwi syang luhaan at nag-apply na lamang bilang stockman sa isang mall. 

Pero matayog ang pangarap ni Edmar. At dahil hindi sya sumuko sa kanyang hangarin na may mapatunayan sa buhay, nag-enroll sya sa TESDA at kumuha ng kursong barista kung saan kapag natapos ang kinuhang kurso ay may makukuhang P8,000.

Gamit ang maliit na halagang ito at ang kanyang kaunting ipon noon mula sa dating trabaho, nagtayo sya ng maliit na coffee business gamit ang food cart para magtitinda ng mga murang coffee frappe.

Pumatok ang kanyang negosyong ito kaya naman nakapagpagawa sya ng anim pang karagdagang food cart hanggang sa patuloy na itong lumago ng lumago.

Aniya, “Sabi ko, ‘Lord, makadalawang libo lang ako, okay na sa ‘kin.’ Pero alam mo, nung first day ko, kumita ako ng P12,000,”

Subalit tulad ng ibang negosyo, sinubok din ng pagkakataon ang kanyang hanapbuhay dahilan para tumamlay ang kanyang kita, sa puntong nasaid ang kanyang ipon at pati ang kanyang wedding ring ay naisangla na nya.

Pero sa halip na panghinaan ng loob ay um-attend sya ng seminars tungkol sa pagnenegosyo kung saan ginanap ang iba't ibang food cart business na umabot sa iba't ibang parte ng bansa. Ito ang naging dahilan para siya maging milyonaryo.

Hindi raw sya makapaniwala na ang dating kinikita nyang P100 kada araw mula sa pagca-carwash ay magiging 1 milyon dahil sa 250 branches ng kanyang negosyo at 20 food carts. 

“Daig ng madiskarte ang matalino, Diskarte ang ginawa ko kung bakit napalago ko yung negosyo ko, kahit hindi ako grumaduate ng isang bachelor’s course,” paliwanag ni Edmar 

Panuorin: