Bagong Modus, Budol-budol sa Monumento, Isang Matandang mukhang kawawa ang Nangbibiktima! - The Daily Sentry


Bagong Modus, Budol-budol sa Monumento, Isang Matandang mukhang kawawa ang Nangbibiktima!



Photo credit to Darren Esliza's Facebook account

Viral ngayon sa social media ang post ng binatang si Darren M. Esliza II, dahil sa kwento niyang hindi magandang pangyayari na kanyang naranasan kahapon, Oktubre 18, 2020.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Darren kung paano siya na-scam ng isang matandang lalaki na hindi mo daw aakalain na kayang manloko ng kapwa dahil sa itsura nito na paika-ika pa nga kung maglakad.


Netizen, Darren Esliza | Photo credit to his Facebook account


Darren Esliza' Facebook post 

Basahin ang buong kwento sa ibaba kung paano nabudol-budol si Darren:

"Ito po kasi nangyari nasa monumento napo ako kanina, then habang naglalakad ako may kumausap saking matandang lalaki, sabi niya may alam ba ako na may makukuhaan ng driver po para ma deliver daw yung mga isda nila sa batangas.

Then sabi ko "diko po alam eh sa iba na lng po kayo mag tanong" then sabi niya tulungan mo na lng ako magtanong tapos may tinuro siya na lalaki sabi niya tanong mo kaya sa lalaki na yun.


Then ako naman nagtanong "kuya patulong daw "ayun nga sabi niya may kilala raw siya dun sa bandang area ko namakakatulong ayun na nga po naglalakad na kaming tatlo dun papuntang edsa, tapos po inaalok kami ng matanda ng pera pang meryenda daw sabi ko " Wag napo oks napo yung natulungan namin kayo " ayun nakapag usap na nga yung lalaki na may alam saan makakuha ng driver.

Tinanong ko din sa matanda bakit ika ika siya maglakad sabi niya is nasagasaan daw yung sinasakyan nila kanina kaya naipit daw yung paa niya.

Ayun na nga po. Naglalakad na kami ulit nagsabi sakin ung matanda na itabi ko daw yung pera niya na 17k nasa medyas nakalagay nakitak rin yon. tapos tinali niya pinalagay niya sa bag ko then.

Nagsabi siya saming dalawa yung tumulong sa kanya na nagtitiwala ako sainyo pwde bang baka iwan niyo kasi ako."

Tapos binagay ng lalaki yung phone niya at wallet niya sa matanda para pagkatiwalaan siya at ako naman kinulit din kaya nabigay ko yung cp ko.

Ayun po tapos sinabihan ako ng lalaki na hintayin ko sila sa kabilang tawid sa jollibee habang tumatawid ako sa tulay nakita ko silang dalawa na sumakay ng Taxi then kinabahan na ako sabi ko sa sarili ko "Na scam ako" then na curios ako sa pinatabing pera sakin ng matanda para alam ko kung babalik sila ayun pagkabuksan ko 100 lng tapos puro papel na.

Sinabi din pala mga name nila ung matanda ' Michael ang pangalan tapos ung kasabwat niya Joseph"



SourceDarren M. Esliza II | Facebook