Babala ng isang netizen tungkol sa pagbubukas ng plastic packaging gamit ang bibig, mapanganib - The Daily Sentry


Babala ng isang netizen tungkol sa pagbubukas ng plastic packaging gamit ang bibig, mapanganib



Mga larawan mula sa Facebook @Joy Diaz Austero


Marami sa atin ang nakagawian ng gamitin ang ating bibig upang magbukas ng packaging na plastic ng pagkain gaya ng biscuits, chicheria, at iba pang mga pagkain na nakabalot sa plastic.


Madalas itong gawin ng mga bata, at maging ang matatanda marahil  nakagawian ng gawin ito mula pa noong bata pa lang tayo hanggang sa nagka edad na. 


Sa halip na gunting o di kaya ay kutsilyo ang gamiting pambukas ay mas mainam kasi sa atin na gamitin ang ating bibig sa pagbukas ng mga ito dahil sa mas madali at mabilis nga naman kumpara sa maghahanap ka pa ng gunting o iba pang gamit.


Ngunit may masama palang pwedeng maidulot ang pagbukas ng plastic gamit ang ating bibig na maaring maging panganib sa ating kalusugan at ang masama pa ay maari ding ikamatay


Isa na dito ang kwento ng isang netizen na si Ms. Joy Diaz Austero, dahil sa hindi inaasahang pangyayari, nang aksidenteng nalunok ng kanyang ina ang maliit na piraso ng plastic mula sa balot ng sikat na biscuits na binuksan nito gamit ang kanyang bibig.


Ayon sa anak ng ginang at nag bahagi ng kwento ng kanyang ina, gabi ng February 23 taong kasalukuyan nang buksan ng kanyang nanay ang isang balot ng skyflakes biscuits at aksidenteng  nahigop at nalunok nya ang maliit na piraso ng plastic nito. 


Mga larawan mula sa Facebook @Joy Diaz Austero


Pinilit umanong iluwa ng kanyang ina ang maliit na plastic na ito, at halos isuka na nya ng buong pwersa ngunit hindi pa rin ito lumabas.


Napapa ubo na ang kanyang ina at nahihirapan na itong makahinga kahit anong pilit nyang ilabas ito. matagal din daw inubo ang kanyang nanay kaya hanggang sa nagpasya na silang dalhin ito sa ospital.


Dumirecho sila sa Emergency Room dahil sa nangangailan na ng agaran atensyon ang kanyang ina. Ngunit dahil sa gabi na ng nagpunta sila sa Fatima Medical Hospital, pinayuhan silang lumipat na lamang sa ibang hospital dahil walang available EENT doctor sa mga oras na iyon.


Naka ilang lipat sila ng hospital hanggang umabot sila sa UST Hospital as recommended ng dalawang hospital na pinanggalingan nila at sa wakas ay nabigyan na ng paunang lunas ang kanilang ina. 



Mga larawan mula sa Facebook @Joy Diaz Austero


Matapos silipin ang lalamunan ni nanay ay hindi pa rin nila nakita ang maliit na piraso ng plastic pero may nakita silang sugat sa lalamuna nito. inadvice sila ng doktor na obserbahan muna ang kondisyon ni nanay at makalipas nga ang isang linggo ay bumalik sila dahil sa hirap pa din huminga ito.


Hanggang sa nagsagawa na ng procedure ang mga doktor at nakita na ang plastic sa kanang bahagi ng baga ng ginang. Hindi naging maganda ang epekto nito sa kanilang ina bukos sa hirap sa paghinga, sobrang paghingal, at pagtaas ng BP na nakaapekto sa puso nito, maging ang Blood Sugar tumaas, ngunit patuloy bumababa ang potassium at timbang nito.


Nais ni Joy na ibahagi ito sa social media upang makapagbigay babala sya sa mga netizens na huwag ng gumamit ng bibig sa tuwing magbubukas ng plastic packaging ng pagkain upang huwag ng matulad sa nangyari sa kanilang nanay. 


Mga larawan mula sa Facebook @Joy Diaz Austero



Bumuhos naman ang panalangin sa lubos na paggaling ng kanilang ina at pasasalamat ng mga netizens dahil sa kanyang post. Narito ang kabuuan ng kwento ni Joy:



"A lesson to be learned. For everyone's safety, please pag magbubukas kayo ng packaging nang any biscuit or chicha or any packaging na plastic, PLEASE do not use your mouth kung ayaw nyo matulad sa nangyare kay nanay. So ito na nga ang reason.


FEB. 23 nang magbukas si nanay ng isang skyflakes gamit bibig nya, nang biglang parang nahigop nya un. Naubo sya, pinilit nyang ilabas kasi nahirapan sya makahinga, matagal din syang inubo pero di nya nailuwa ung plastic. 


Pinilit nyang isuka pero wala talaga, kaya nag decide na kami dlhin sya sa E.R. Nagpunta kami ng Fatima Med kaso sbe wla daw EENT ksi gabi na at may oras doon. Rekta kami Chinese Gen. ganon din ang sinabe so dumirecho kame ng UST Hospital which is ni recommend ng unang 2 hospital na pinuntahan namin.


Mga larawan mula sa Facebook @Joy Diaz Austero


Hindi ko alam ung exact na ginawa kay nanay pero sinilip ung lalamunan nya but they got nothing. Nakita lang ung sugat at punit sa lalamunan nya. But the Doctor told us na obserbahan si Nanay if mahirapan makahinga.



Almost 1 week nang biglang parang hikain si nanay, as in na nahihirapan sya makahinga at grabe ung hingal nya. Nagpunta kami for a follow up check up which they recommends once mahirapan makahinga si nanay. 


Saka nila nirefer sa Pulmonologist dahil 2 lang daw pwede puntahan nung plastic, sa daluyan ng pagkain or daluyan ng hangin. Kung sa daluyan ng pagkain napunta, eh itatae lang din daw un. Pero di namin alam bakit maswerte tong plastic ng skyflakes bakit sa daluyan ng hangin ni nanay sya napunta. YES, opo, sa RIGHT LUNG na NAKUHA yang plastic na yan. 


Mga larawan mula sa Facebook @Joy Diaz Austero



Kaya grabe hingal ni nanay, at nagtrigger na tumaas ang BP, Blood Sugar, ung sa heart nya hndi normal even potassium and weight nya bumaba.


Kaya po doble ingat, mas ok na gumamit nalang ng gunting, or do it with your 2 hands kasi di sya biro. Anyway, thankyou po sa lahat ng comments and messages nyo. Nababasa ko po siya, di ko lang kayo maisa isa, kasi yan po ung buong istorya eh masyado mahaba ikwento. 


Thankyou po sa inyo and keep on praying po for fast recovery ng aking Nanay. Godbless everyone!



PS: Bronchoscopy po ang ginawa kay nanay, which is pinatulog sya at may pinasok na instrument sa tubo ng baga nya. At nakita ngang nasa right lung naka harang ung plastic.


PPS: Thankyou to Dr. Perez de Tagle (otolaryngologist) and Dr. Dalupang(pulmonologist) and to 2 other Doctors for Internal Med and Cardio na tumingin kay nanay at sa ibang  Assistant Doctors and Nurses.


Kindly do share para na din maging aware lahat mapabata man o matanda. " 


Mga larawan mula sa Facebook @Joy Diaz Austero