Babae, nagwala matapos tanggihan ng KFC dahil ayaw mag-face mask - The Daily Sentry


Babae, nagwala matapos tanggihan ng KFC dahil ayaw mag-face mask





Upang maiwasan ang paglaganap ng sakit sa gitna ng krisis na nararanasan natin sa kasalukuyan, sari-saring health protocols ang ipinatutupad ngayon sa iba't-ibang bahagi ng bansa at ng buong mundo. 

Ilan lamang dito ito ay ang pagsusuot ng face mask at face shield.


Subalit sadyang may ilang taong pasaway na ang hirap pakiusapan at ayaw sumunod sa mga simpleng alituntunin para sa kapakanan ng lahat. Tulad na lang ng babaeng customer na ito sa isang sikat na fast food chain. 

Sa video, mapapanuod ang hindi kilalang babae sa harap ng cashier ng KFC habang nagsasalita at tinuturo ang kanyang order nang walang suot na face mask. Dahil dito, umalis palayo sa kanya ang uma-attend na crew kung kaya naman makikitang bigla na lang syang tumalon para pumatong sa counter.


Nagsisisigaw ang nasabing customer habang galit na galit nyang kinakausap ang staff na tumalikod sa kanya. 

"Give me something to f*cking eat! I'm hungry!" aniya kasabay ng ilan pang masasakit na salita hanggang sa puntong nananakot na ito na sasaktan nya ang empleyado.


Paliwanag ng ibang crew sa babaeng nagwawala, hindi nila sya maaaring pagserbisyuhan dahil sa kawalan nya ng face mask.

Gayunpaman, pinili ng pasaway na customer na makipagmatigasan sa mga crew at patuloy na pinagpilitan ang kanyang gusto na makabili ng pagkain doon kahit tumatanggi syang sumunod sa simpleng patakaran.


Pero hindi nagpatinag sa babae ang mga nagtratrabaho doon at nanindigang kailangan nya munang sumunod o kung hindi, hindi sya maaaring mag-demand ng serbisyo mula sa KFC.


Nang bumalik ang lalaking crew na lumayo sa kanya noong una, sinabi nito na masisisante sya kung sakaling i-assist nya ang babae sa kabila ng pagsuway nito.

Bunsod ng pangyayari, nagpasya ang babae na umalis na lang. Pero bago pa man sya makalabas ay pinagbantaan nya pa ito at sinabing aabangan nya ito sa labas pagkatapos ng kanyang trabaho.

Hindi naman nakapagkomento ang KFC sa nangyari.

Panuorin ang video: