53-anyos na Principal, suma-sideline bilang rider para makapagpatayo ng Multipurpose Hall sa school - The Daily Sentry


53-anyos na Principal, suma-sideline bilang rider para makapagpatayo ng Multipurpose Hall sa school




Walang katumbas na halaga ang pagmamahal ng isang magulang sa kanyang mga anak. Pero kahit hindi nya tunay na anak ang mga mag-aaral sa eskwelahang kanyang pinapasukan, higit pa sa kadugo ang kanyang ipinamalas na pagmamahal para sa kanila dahil sa kanyang ginawang kabutihan sa mga ito.


Kilalanin ang lalaking ito na nagtatrabaho sa isang paaralan ng high school students hindi bilang isang guro o guidance councilor, kundi bilang pinakamataas na otoridad sa isang eskwelahan: ang principal o headmaster. 

Mabilis kumalat sa social media ang mga larawan ni Haji dahil sa paghanga ng mga netizen sa kakaibang dedikasyon ng 53-anyos na lalaki.

Dulot ng kawalan ng klase sa eskwelahan bunsod ng kasalukuyang krisis, piniling samantalahin ng nasabing principal na maisaayos ang kanilang paaralan habang wala pang mga estudyante na pumapasok doon.

Kaya naman dahil raw sa kakulangan ng kanilang pondo, naisipan nyang gumawa ng paraan para makatulong na makaipon ng pera para maipampagawa ng Multipurpose Hall para sa mga mag-aaral.

Buong pusong tumulong si Haji Aedil Mat na maipatayo ang naturang pasilidad sa pamamagitan ng pagiging GrabFood rider.

Dahil dito, marami ang nag-donate sa kanilang paaralan at nakalikom ng total na 167,000 Malaysian Ringgit o kulang-kulang dalawang milyong piso (P1,957,213.07).


Noong nakaraang taon pa umano dapat napagawa ito ngunit napilitang itigil dulot ng sitwasyon ngayon.

Umani naman ng papuri mula sa mga netizen ang hindi matatawarang pagkakawanggawa ng matandang lalaki na nagpakumbaba at isinantabi ang kanyang sarili para unahin ang kapakanan ng mga estudyante sa Sekolah Agama Menengah.

“I meant to do this as a gimmick, to get school staff to donate, even if it was just RM5. And then, when a photo of me on the job went around, many people started asking me how they could contribute,” aniya.