Photos courtesy of GMA News on line |
Sa kuha ng isang netizen at YouScooper Marc Joseph Austria, na ipinadala sa GMA News on line ang larawan ng isang batang lalaki ang nakatutok sa pinapanuod nito sa isang WiFi kiosk sa kahabaan ng España Boulevard sa Maynila.
Ayon kay Austria, nakita niya ang paslit na nanonood ng cartoons at ibang mga educational shows nitong Miyerkoles, September 16. *
Dagdag pa nito, habang ang iba ay abala sa paglalaro, ang batang ito naman ay libang na libang sa kanyang pinapanood gamit ang isang WiFi kiosk, kahit sa una hindi alam gamitin ito, kalaunan ay napagana na din.
Hindi na nagawang makausap ng netizen ang bata dahil sa labis na pagka tutok umano nito sa pinapanood na palabas.
Samantala, sa Tondo naman, ilang mga residente ang gumagamit ng piso WiFi vending machines para kumonek sa internet.
Ilan residente sa Baseco Compound sa Tondo, Manila ang gumagamit ngayon ng nauusong piso WiFi vending machine na makikita sa mga sari sari store na malapit sa ating mga bahay.
Umaasa ngayon ang ating mga pang karaniwang mga kababayan si kayang magpa kabit ng internet mula sa malalaking kumpanya, na kailangan natin ngayong magbubukas ang pasukan na gagawin pangsamantalang on line class. *
Photo courtesy of GMA News on line |
Ito ay para, maiwasan ang lalong pagkahawa at pagkalat ng pandemyang COVID 19 sa ating mga anak na labis na mapanganib kung sila ay mahahawa nito.'
Kaya naman para makasabay sa hamon ng panahon, malaking tulong ang bigay ng piso WiFi vending machine sa ating mga kababayan.
“Sa eskwelahan din po, nagagamit siya tapos sa YouTube at tsaka ‘pag may sini-search sa Google, mas madali na po,” ani ng isang residente.
Ngunit bukod sa on line classes, marami ding mga residente ang ang nakikinabang di lang pang on line class kundi maging pampa lipas oras na din ayon sa may-ari ng vending macine na si ginang Dina Mira.
“Sa dami po ng tao dito, malakas naman po siya at tsaka nagagamit po siya sa online at tsaka mga YouTube ng mga bata kasi bored sa bahay,” pahayag ni aling Dina.
Sa halagang piso lamang ay makakapag internet na sa loob ng 10 minutes, at isang oras naman kung maghuhulog ng limang piso.
At kung suswertehin ay ma-eenjoy naman ang WiFi access sa loob ng tatlong oras sa halagang sampung piso.
Yun nga lang, sa mga nag nanais mag internet sa piso Wifi vending machine, hindi pwede lumayo sa machine ang mga naghulog dito kung ayaw mawalan ng signal. *