Photos by Tim Salonga |
"Never in my life would have I imagined that I will witness this kind of heartwarming love. My mom died 4 years ago, and yet we received something special from her yesterday."
Iyan ang nakakadurog ng puso at kamangha-manghang kwento ni Tim Salonga sa isa niyang viral Facebook post kung saan ibinahagi niya ang pagkakatuklas nilang magkakapatid sa 'huling habilin at pamana' na iniwan ng kanilang ina matapos pumanaw ito apat (4) na taon na ang nakakaraan.
"I thought I could only see this in movies or dramas pero kame mismo na experience namen ito. So many things happened unexpectedly and I can't thank the Lord enough and I know this is His will," ani ni Tim.
Narito ang buong kwento:
Habang nag cecelebrate kame, napag isipan ng mga tita ko tumingin ng old pictures para mag balik tanaw. Habang tumitingin kame sinabi ni Ate sa mga tita ko, "iuwi nyo na ibang damit ni mama dito". Habang tinatanggal nila sa hanger yung mga damit napansin nila itong damit na ito baket nakatago pa sa loob ng dalawang damit. May bulsa tsaka lumang luma na. Tapos may napansin sila sa loob ng bulsa.
Photo by Tim Salonga |
These are the things that my aunties found in the pocket. 5,000 php, tatlong singsing at isang pares ng hikaw, at sulat. It was a letter from my mom. Imagine ilang beses na kameng nag pa tapon ng damit pero isa ito sa bukod tanging hindi nagalaw. Sabi sa letter "Para sa pag aaral ni Tim, Hazel, Herica ang perang ito. Gagamitin nila ito sa pang negosyo nila at paramihin nila ang konting pamana kong ito sakanila at may 3 singsing ito at isang pares ng ikaw (hikaw). Paunlarin niyo ang konting pamana ko sainyo. Salamat mga anak. Mama"
Photo by Tim Salonga |
Sa sobrang gulat namen di namen na analyze ng maayos yung sulat at hindi namen nabasa ng maayos yung nasa likod ng papel. After namen nabasa, may dumating ulit na bisita si Ate at kinwento sakanila yung nangyari, tapos binasa nila ulit yung letter at mas nalinawan kame. "Tinago ko ito sa makina sa ilalim nya. Kung sino man ang nakakita nito ay ibigay nyo sa mga anak ko. Wag nyong kunin ang hindi para sainyo"
Photo by Tim Salonga |
Naisip ni Ate kunin at buksan namen yung lumang makina ni mama na muntik na namen ipakalakal noon.
Photo by Tim Salonga |
Di ko lubos isipin na magagawa ni mama 'to. Sobrang selfless nya ni hindi ko man sya nakitang bumili ng mga luho nya na hanggang ngayon kame padin ng mga ate ko inisip nya. Ni isa saamen walang nakakaalam na may ipon si mama. Thank you Lord ginabayan mo kameng makita yung huling pamana ni Mama para saamen, gagamitin namen ito sa paraan na gusto ni Mama. Salamat Ma, Salamat Lord. Isa sa mga magandang nangyari samin ngayong 2020.
Photo by Tim Salonga |
Tim Salonga and her mom | Photo from Facebook Credits: Tim Salonga |
Source: 1