Pagod na medical frontliner sa loob ng testing booth, pinalakas ang loob ng mga netizens - The Daily Sentry


Pagod na medical frontliner sa loob ng testing booth, pinalakas ang loob ng mga netizens



 

.

Mga larawan mula sa Facebook @Ranier Fura

 

Masasabing hindi biro ang trabaho ng mga medical frontliners sa panahon ngayon ng pandemya. Sari saring problema ang kanilang kinakaharap sa pag ganap ng tungkulin.

 

Nariyan na ang kakulangan sa kagamitan, kakulangan sa mga health professionals, minsan pa nga ay hindi nabibigyan ng sapat na ayuda ang mga ito at ang higit sa lahat ang hirap ng pagsusuot ng Personal Protective Equipment (PPE) na sobrang init nito sa katawan na nakakadagdag sa pagod n gating mga medical workers. *


 

Kamakailan ay may nagviral na larawan ng isang medical frontliners na naka assign sa isang quarantine facility na nagsasagawa swab testing sa Barangay Milibili, Roxas City na naabutang nagpapahinga, at tila pagod na pagod.

 

Ayon sa uploader ng picture, at isa ring nurse sa nasabing quarantine facility na si Mr. Ranier Funa, kasamahan nya ang nasabing nurse at sila ay kasalukuyan nagsasagawa ng swab testing sa nasabing quarantine facility.

 

Sa maghapon na pagsasa gawa ng swab test para sa ating mga kababayan, naka abot na sila ng mahigit 100 pasyente at halos lupaypay na sa pagod ang kanyang kasamahan.

 

Maya’t maya ang pasok ng mga magpapa swab test kaya halos walang pahinga silang nagta trabaho, bukod sa mainit ang paligid ay mainit din ang suot nilang PPE.


 

Pinapalakas na lamang nilang mga nurse ang kanilang mga loob upang bumalik ang kanilang lakas kahit sa maliit na paraan lamang. *

 

Larawan mula sa Facebook @Ranier Fura


"As a healthcare provider, damang-dama ko po siya especially mainit that time at mainit 'yung PPE. Ilang hours na po siya sa loob ng swab booth... Ika-94 patient po ako tas ng paalis po ako may dumating pa na 10 patients," pahayag ni Fura sa panayam ng The Philippine Star.

 

Ibinahagi ni Fura sa social media ang larawan ng kasamahan, upang maiparating sa mga netizens kung gaano kahirap ang trabaho n gating mga medical frontliners.

 

Nais din nyang bigyan diin ang mensahe sa ating mga kababayan, na magstay na lang sa kani kanilang mga tahanan kung wala namang importante na gagawin sa labas at ang pagsunod sa mga health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield, palagiang paghuhugas ng kamay o pagdi disinfect at social distancing na din upang makasiguro na mabawasan ang pagkahawa natin sa corona virus. *



Larawan mula sa Facebook @Ranier Fura

 


“Tulungan natin sarili natin by staying at home kung wala namang importanteng gagawin... Just following the health protocols. Big help na po 'yan sa ating mga frontliners. We will win this war together,” ani Fura.


Nagpakita naman ng respeto at pasasalamat ang mga netizens sa mga frontliners matapos na mag-viral ang kuha ng kanyang kasamahan.


Pinalakas naman ng netizens ang loob ng frontliners sa kanilang mga komento. Bumuhos ang paghanga at suporta ng mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga mensahe at komento. Narito ang ilan:

 

“Gods strength will be with you! We are praying for all the front liners including you! God bless nang Anecita H. Kapaw-an! Stay safe always!”


 

“Keep safe ma'am ruby.maam anne and sir glendy our prayers is for your safety and to your family who at the same time a silent heroes who misses you so much but they are all brave enough to bear it .so be safe always guys .God bless!”*

Larawan mula sa Facebook @Ranier Fura

 

“Keep safe poh sana mkaramdam namn nah ung iba Jan khit anu pah yan sobrang pGod nah pagod nah pagod nah cla.. Keep praying.. Tnx u so much frontliners for all your sacrifices soon God will repay.. Godbless salute to all of you.”

 

“His picture speaks for what this frontliner feels. Napaiyak ako ng makita ko ang itsura nya. I seem to have seen Jesus in this picture - hands outstretched, head bowed down and he/she was even kneeling down. May you be blessed. Amen.”

 

“Dapat bigyan nio Ng time out after 4 hrs para makapagpahinga din Sia. Hindi Yung mamamahinga Lang Sia pag lunch break. Kayo NGA ang lumagay Sa pwesto nia Kung Hindi Ka manghihina Sa suit Nia.”

 

Pansamantalang ipinahito kamakailan sa utos ng Western Visayas Regional Inter-Agency Task Force ang pagtanggap sa mga umuuwing overseas Filipino workers (OFW) at locally stranded individuals (LSI) sa loob ng dalawang linggo.


 

The Western Visayas Regional IATF recently approved the call for a 14-day timeout in the return of overseas Filipino workers and locally stranded individuals to Roxas City in order to avoid the overburdening of the healthcare system. The “timeout” will last until September 13, 2020.

 

"The said moratorium shall stem the surge in COVID-19 cases from the recent spike brought by the arrival of LSIs, ROFs, OFW repatriates, and allow the LGU to prepare the currently fully-occupied facilities and maximize healthcare services for the next batches." ayon sa Resolution no. 33 ng Western visayas Regional IATF.